Napiling Valentina bagay na bagay na kalaban ni Darna; sino nga kaya siya? | Bandera

Napiling Valentina bagay na bagay na kalaban ni Darna; sino nga kaya siya?

Reggee Bonoan |November 17,2021
facebook
share this

Napiling Valentina bagay na bagay na kalaban ni Darna; sino nga kaya siya?

Reggee Bonoan - November 17, 2021 - 05:26 PM

Valentina at Jane de Leon

DAHIL sa sinulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa mga nag-audition sa karakter na Valentina, ang iconic kontrabida ni Darna ay kaliwa’t kanan ang natanggap naming tawag.

Karamihan sa mga nagtanongnsa amin ay mula sa kampo ng ilan sa mga nabanggit naming aktres na posibleng makakuha ng nasabing role.

Itinanggi ng kampo ng ilang artistang nasulat namin na nag-audition ang kanilang mga alaga at saan daw namin nakuha ang balita.

Ikinatwiran naming may nagbigay sa amin ng mga pangalan na nakita sa mga listahan ng nag-audition pero ipinagdiinan nilang hindi nga raw kasama ang mga alaga nila.

Para hindi na humaba ang usapan ay umokey na lang kami para matapos na ang usapang wala namang patutunguhan. Kung hindi nag-audition, e, di hindi.

Binanggit namin ito sa aming source at tinawanan kami. “Ha-hahaha! Kaya nila itinanggi, e, kasi hindi pumasa ang mga alaga nila.  Kaya back to Star Magic talent ulit,” sagot ng aming source.

Ariella nag-audition daw sa ‘Darna’ bilang Valentina: My God! Sana nga po, ipagdasal po natin!


Nasulat namin na walang taga-Star Magic na pumasa sa pa-audition ng Valentina, e, kasi nahuli pala ang aktres na ito dahil at that time ay hindi pa siya handa sa katawan niya pero ngayon nga ay ang laki na ng ipinagbago niya kaya marami ang nagulat to the max.

At finally, siya ang napiling Valentina na iaanunsyo na sa Biyernes at habang kausap namin ang aming source ay iniisip namin na reunion nila ito ng isa sa aktor na kasama sa “Darna” series ni Jane de Leon.

Anyway, abangan na lang natin sa Biyernes kung sino ang napiling Valentina at para sa amin ay bagay na bagay sa kanya ang role dahil almost same height sila ni Jane at magkahulma rin.

Sino kina Yassi, Ivana, Janine, Jackie at AJ ang nakapasa bilang Valentina sa ‘Darna’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending