Sino kina Yassi, Ivana, Janine, Jackie at AJ ang nakapasa bilang Valentina sa 'Darna'? | Bandera

Sino kina Yassi, Ivana, Janine, Jackie at AJ ang nakapasa bilang Valentina sa ‘Darna’?

Reggee Bonoan |November 16,2021
facebook
share this

Sino kina Yassi, Ivana, Janine, Jackie at AJ ang nakapasa bilang Valentina sa ‘Darna’?

Reggee Bonoan - November 16, 2021 - 08:20 AM

Valentina,Yassi Pressman, Janine Gutierrez, Ivana Alawi, AJ Raval at Jackie Rice

TRUE kaya ang nasagap naming balita na kabilang sina Yassi Pressman, AJ Raval, Jackie Rice, Ivana Alawi at Janine Gutierrez sa mga nag-audition para gumanap na Valentina sa “Darna” series ni Jane de Leon?

At kung may bahid nga ito ng katotohanan sino sa limang aktres na nabanggit ang nakapasa? Kahit kasi kontrabida ay gustung-gusto ng mga nabanggit na aktres na maging kontrabida ni Darna na muli ngang paliliparin ng ABS-CBN.

Hindi lang naklaro ng aming source kung personal o through zoom lamang ang isinagawang audition para sa Valentina character.

Matatandaang nagpa-audition na noon ang production ng nasabing action-drama-fantasy series para sa Star Magic talents pero wala umanong nakuha sa mga ito.

Say ng aming source, “Hindi pa kasi hinog ‘yung mga nag-audition, parang hindi pa kaya ‘yung ganu’ng kabigat na karakter.  

“Lahat kasi ng hinog naglayasan na sa ABS-CBN. Si Julia Barretto sana bagay ding maging Valentina, pero umalis naman na,” dagdag pang sabi ng aming kaus

At dahil wala raw napili kaya nagpa-audition ulit na hindi na taga-Star Magic gaya nga ng mga pangalang nabanggit.

“Malapit na naman ang announcement, abangan mon a lang.  Alam ko sa November 19 ang announcement kung sino ang gaganap na Valentina,” sabi pa ng aming source.

View this post on Instagram

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Matatandaang inanunsyo ng Kapamilya network kamakailan na sina Avel Sunpongco at Chito Roño ang magdidirek ng “Darna” na sisimulan ngayong huling linggo ng Nobyembre.

‘Yan ay kung hindi na magbabago ang timeline ng produksyon habang sa 2022 naman nakatakda ang airing nito sa Kapamilya channel at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

Ang JRB Creative Production ng ABS-CBN ang nakatakdang magprodyus ng “Darna: The TV Series.” Makakasama rin dito sina Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Iza Calzado at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Official Darna (@officialdarna)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending