Noli de Castro balik Teleradyo matapos ang senatorial bid withdrawal | Bandera

Noli de Castro balik Teleradyo matapos ang senatorial bid withdrawal

Reggee Bonoan - November 06, 2021 - 02:00 PM

Noli de Castro balik Teleradyo matapos ang senatorial bid withdrawal

“MAGANDANG Umaga, Bayan. Miss ko na kayo kabayan,” caption ni Kabayang Noli de Castro sa video post niyang ‘I Love You, Kabayan’ sa kanyang Instagram noong Okttubre 27.

Sa madaling salita ay babalik si Kabayang Noli sa kanyang teleradyo na “Kabayan” nagsimula noong 2010 at ilang linggong hindi umere/napanood dahil nagpaalam siya na kakandidatong senador sa 2022.

Pero nabago ang plano niya dahil muli siyang magbabalik sa Kapamilya network at muli siyang mapapanod sa Kabayan teleradyo base sa post niya sa IG nitong Nob 4.

Caption nito sa video post niyang nasa tabing dagat siya at dinig ang hampas ng tubig,  “Salamat po, sa kaunting pagkakataon na ma-enjoy ko ang beach, bago bumalik muli sa Teleradyo sa Lunes (Nob 8), kita kits kabayan.”

Ang “Kabayan” teleradyo ay napapakinggan/napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 8 am.

May isa pang post si Kabayan Noli na nakadapo sa kanya ang mga ibong loro.

“Ang ibon ay hindi masaya kapag hindi siya malayang lumilipad, katulad din ng tao kapag sinikil mo ang kanyang kalayaan. Enjoy your weekend, mga kabayan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kabayan Noli (@kabayannolidecastro)

Samantala, nagagalak naman ang ABS-CBN management sa pagbabalik ng nag-iisang Kabayang Noli de Castro sa kanilang istasyon.

“Natutuwa kami at magbabalik sa Teleradyo si Noli de Castro para ipagpatuloy ang kanyang tunay na misyon, ang maglingkod sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng kanyang programang Kabayan. We welcome him back in ABS-CBN with open arms.”

Kaya malinaw na sa Kapamilya ulit si Kabayan Noli at hindi totoo ang napabalitang sa Frontline Pilipinas siya mapapanood dahil hindi na siya puwedeng bumalik sa TV Patrol.

Samantala marami naman natuwang netizens na muling mapanood si Kabayan sa teleradyo at sa pagtalikod niya sa politika at ang ilan sa mga nabasa naming komento.

Sabi ni @elmacabreta, “Happy weekend kabayan..isa po ako sa natuwa at nag back out po kayo sa pulitika..enjoy life nalang po, iwas stress..keep safe po kabayan God bless you palagi.”

Na-miss naman ni @mutyagopez si Kabayang Noli, “Welcome back po … namis ka po namin sa teleradyo kabs. At sana sa TV Patrol din po … hindi kumpleto ang gabi gabi kapag walang nagsabi ng *Magandang gabi bayan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sang-ayon din si @pinkyc_aguila613 na mapanood ulit si Kabayan sa TV Patrol, “Welcome back Kabayan!!! Sana sa TVP din,kahit madami n kayo (emoji hearts).”

Naaliw kami sa komento ng netizen dahil nakausap na raw niya ang mga bosses, “
@herbienaia, “Pwede naman pong Apat sa TV Patrol.. payag sila Sir. Carlo at Mam Ging.. nagkausap na po kami. Salamat Sir. Carlo at Mam Ging.. sana sa susunod po si Sir. Abner Mercado naman.. stay safe kabayan”

Related Chika:
Kabayan goodbye na sa mga programa sa ABS-CBN, tatakbong senador sa 2022
Kabayan atras na sa pagtakbo, nagdasal sa Poong Nazareno: Nagkaroon ng pagbabago ang aking plano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending