Julia tinawag na 'Mrs. Martyr' ni Cristy Fermin | Bandera

Julia tinawag na ‘Mrs. Martyr’ ni Cristy Fermin

Therese Arceo |November 04,2021
facebook
share this

Julia tinawag na ‘Mrs. Martyr’ ni Cristy Fermin

Therese Arceo - November 04, 2021 - 03:16 PM

UMARIBA na naman ang kolumnistang si Cristy Fermin at nagbigay ng komento patungkol sa birthday message ni Julia Montes kay Coco Martin.

Cristy Fermin, Coco Martin, at Julia Montes

UMARIBA na naman ang kolumnistang si Cristy Fermin at nagbigay ng komento patungkol sa birthday message ni Julia Montes kay Coco Martin.

Isa kasi ito sa mga naging topic nila ni Romel Chika sa kanyang programang “Cristy Ferminute”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Agad nilang napuna ang naging mensahe ni Julia kay Coco.

“Sa bandang dulo, nakalagay ‘Mahal ka namin’. Natural titigil ba ang mga Marites sa ganon lang na pi-period-an mo ‘yung mahal ka namin. Syempre hindi papayag ang mga Marites. Babaguhin at babaguhin ang kanyang teksto.

“So ang ginawa nila, ‘Salamat sa pagiging mabuting kaibigan… at mahal ka namin ng anak mo’. Oh di ba?” saad ni Nay Cristy.

Nagtataka naman ang co-host niyang si Romel Chika kung bakit hanggang ngayon ay iwas na iwas ang dalawa na pag-usapan ang isyu na matagal nang kumakalat.

Matagal na kasi ang bali-balita na itinatago lang nila ang kanilang relasyon sa madlang pipol at bukod pa rito, marami ring tsismis na kumakalat na may anak na sila.

“Maaaring may personal sila talagang mga personal na pag-uusap tungkol sa kanilang personal na buhay. Kumbaga, 90% binigay na natin sa publiko, yung 10% naman, atin naman ‘yon.

“Tama rin naman ‘yon. Kaya nga hindi  naman sila public property kundi public figure. Kapag public figure, may naiiwan pang kaunti para sa kanilang mga sarili,” dagdag pa ni Nay Cristy.

 

Chika pa ni Nay Cristy, entitled naman daw ang dalawa sa personal nilang mga detalye at dapat naman talaga ay nagtitira sila para sa kanilang sarili.

Nabanggit rin ni Nay Cristy na napag-usapan nila ni Manay Lolit Solis ang pagiging matiisin raw ni Julia.

“Babae ka, karelasyon mo ito, mayroon na kayong anak. Yun ang paniniwala ng publiko na mayroon na kayong anak pero itinatanggi ninyo. Hindi ba dapat ay ipinagmamalaki ka ng lalaki dahil mahal na mahal ka?

“Yung babae kasi walang problema. Matiisin ang babae pero dapat ay manggaling ‘yon sa lalaki na bigyan niya ng credit ang babaeng mahal niya. ‘Yun yun eh. Kung bakit ayaw pa rin nilang aminin hanggang ngayon ang tunay nilang relasyon,” lahad ni Nay Cristy.

Siguro daw ay hintayin na lang daw ng madlang pipol kung kailan gustong umamin ng dalawa.

Muli namang binanggit ni Nay Cristy na matiisin raw si Julia.

“Pero matiisin talaga si Julia. Ang tawag nga sa kanya ay ‘Mrs. Martyr’.”

 

Related Chika:

B-day message ni Julia para kay Coco: Mahal ka namin…biyaya ka sa lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending