McCoy may sweet message sa kanyang mag-ina: Gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo | Bandera

McCoy may sweet message sa kanyang mag-ina: Gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo

Reggee Bonoan |November 02,2021
facebook
share this

McCoy may sweet message sa kanyang mag-ina: Gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo

Reggee Bonoan - November 02, 2021 - 04:20 PM

 

McCoy may sweet message sa kanyang mag-ina: Gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo

Elisse Joson, McCoy de Leon, Felize McKenzie

MAY plano bang maging direktor someday ang aktor na si McCoy de Leon? Kaya namin ito naitanong ay dahil ang ganda ng pagkakagawa niya ng special short film na “A Day in My Life” kung saan inipon lahat nito ang mga past vlogs ng wife to be niyang si Elisse Joson noong nasa Amerika ito at ipinakita ang ultrasound result ng baby nilang si Feliz McKenzie.

Nakangiting kuwento ni Elisse sa vlog niya, “Actually hindi pa rin ako makapaniwala ‘coz ‘yung tummy ko is just parang busog, parang bloated pero meron na palang baby inside.”

Bumuntong hininga ng malalim muna ang aktres sabay sabing, “siyempre hindi ko mapakita ‘yung excitement ko din masyado because I am also scared. I don’t know how to be a mom, but (I know) it’s hard (sabay punas ng luha). But kaya ‘to. We will get through it (sabay thumbs up).”

‘Present-flashback-present’ ang istilo ni McCoy sa thirteen minutes and 24 seconds special short film na ginawa niya sa kanilang pamilya na sinimulan niya sa paggising ni Elisse na nasa kaliwa niya ang anak nilang nakangiti nang kunan ng kamera.

Ang ganda-ganda ni Felize. Halatang happy kid kahit na may takot ang nanay niya noong ipinagbubuntis siya sa Amerika na hindi kasama ang tatay niya.

Nakunan ng kamera si McCoy na hinawi niya ang kurtina ng kanilang kuwarto biglang hudyat ng umaga na.

Ipinakita na nagkakape si Elisse sa lamesa na tila may tinitingnan sa harapan niya at si Felize pala iyon na nakangiti sa kanya habang nakaupo sa baby chair na inabutan ni McCoy ng milk na nasa feeding bottle habang hawak ng aktor ang kamay ng aktres sabay sabing, “kain na tayo.”

Samantala, sa IG post ng aktor ay ang ganda ng pagkakakuha ng black and white photo ng pamilya na nakaupo si Elisse habang nakahinga si McCoy sa lap ng nanay ng anak niya at karga itong pataas na nakaharap sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Ramdam ng mambabasa na punung-puno ng emosyon ang mensahe ni McCoy para sa anak at kay Elisse na kapag nabasa ito ni Felize pagdating ng araw ay sigurado kaming super proud siya sa tatay at nanay niya.

“Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag-asa ng nanay mo.

“Nagtuloy-tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa’yo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito,” saad ni McCoy.

“Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin. Simula nu’ng nakita namin hanggang ngayon.

“Bawat ngiti mo nawawala lahat ng pangangamba namin. Aaminin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hanggat buhay ako. Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo.

“Para naman sa ina ng anak ko, maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinaggap ang bawat isa lalo na ako…kaya salamat Elisse ko,” sweet na mensahe ni McCoy sa ina ng kanyang anak.

“At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 280k ang nag-like at nag-heart sa post na ito ng aktor at mahigit naman sa 3.5k ang komentong nabasa namin na pawang positibo at binabati ang munting pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabilang banda ay nasa almost 1.6M views na ang short film ni McCoy na pinost ni Elisse sa kanyang vlog.

Related Chika:
Elisse, McCoy may baby na, kinuhang ninong si Big Brother: Siya po ang lucky charm namin!
Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending