Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa 'signs' | Bandera

Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’

Ervin Santiago |October 31,2021
facebook
share this

Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’

Ervin Santiago - October 31, 2021 - 09:12 AM

Elisse Joson at McCoy de Leon

MALAKI ang naitulong ni Elisse Joson sa pakikipaglaban ng kanyang boyfriend na si McCoy de Leon kontra anxiety at depression.

Ayon kay McCoy, hindi siya iniwan ni Elisse habang inaatake siya ng depresyon at matinding kalungkutan kahit na hindi raw okay ang pagsasama nila noon.

Sa isang seryoso at emosyonal na usapan, ibinahagi ng celebrity couple sa kanilang bagong vlog kung paano sila nagkabalikan matapos ang kanilang break-up noong 2018. 

Kuwento ni Elisse nagsimula muli ang love story nila ng aktor nang dahil sa jacket. Pag-alala ng dalaga, “Basta may event na nandoon lahat ng artists, tapos sabay tayong umakyat. Pareho tayo ng handler and RM (road manager) that time. Hindi pa tayo nag-uusap pa din nu’n. Ito ‘yung time na break tayo.”

“Tapos sabi ko kay ate Ezra (isa sa mga kasama nila ni McCoy sa event), kami na kasing dalawa ‘yung magkasama, sabi ko, ‘Ang lamig, nilalamig ako.’ 

“Tapos si ate Ezra, ‘Ay girl, sige, teka lang, hahanap ako ng ano.’ Umalis siya, tapos pagbalik niya maya-maya, after five minutes, meron siyang dalang jacket. Pinasuot niya sa akin. 

“Siyempre ako naman, tinanggap ko kasi ang lamig nga. Tapos naamoy ko ‘yung jacket! Sabi ko, ‘Alam ko ‘yung amoy na ‘to ate Ez.’ Tapos ngumingiti-ngiti lang siya. Sabi niya, ‘Ba’t mo alam? ‘Di ba ang tagal na?’” patuloy na kuwento ng aktres sa nasabing vlog.

Hirit naman ni McCoy, “‘Yun ‘yung unang time na okay (matapos maghiwalay).” Na sinagot naman ni Elisse ng, “Na naging magaan. Yeah, that’s true.”

Ang sumunod na nilang pagkikita ay nangyari sa isang coffee shop sa loob ng ABS-CBN compound, “Basta ‘yung handler namin, that time, nasa Starbucks kaming dalawa. Meron kaming meeting nu’n. 
Casual meeting lang. And then biglang…merong dumungaw. May pumapasok. Siya ‘yung pumapasok. Tapos parang hesitant ka pa kung tutuloy ka o hindi,” sabi pa ni Elisse.

Hirit naman ni McCoy, “Kasi sabi ko, ‘yung susunod na ma-meet ko siya ulit, sign ‘yun na may something, hindi ko alam, kung lalapit ba or mag-reach out.”

Pag-alala pa ni Elisse, “After nu’ng moment na ‘yun, nag-Viber na si McCoy. Ngayon gets ko na, kasi ‘yung mga signs mo pala pinaniniwalaan mo.

“Sabi niya, ‘Masaya ako na magaan ka na. Ngumingiti ka na.’ Okay naman na ‘yung reply ko rin sa ‘yo nu’n eh ‘no? Kasi that time, ‘yung feeling ko rin magaan na eh, wala na ‘yung grudge,” ani Elisse.

“Tapos tumawag ka sa akin. Sabi ko, ‘Grabe naman ‘to, tumatawag agad! Kakaayos lang na medyo okay, okay, tatawag agad?’ And then pagtawag mo, parang a couple of rings, sinagot ko ‘di ba?

“Ang bungad pa niya, parang walang nangyari ng isang taon, kasi ang sabi niya, ‘Saan ka?’ Tapos nu’ng sinabi kong nagda-drive, sabi mo, ‘Ah, sige, mamaya na, baka mapaano ka.’ Tapos naisip ko nu’n, ang presko naman ng kausap ko kasi parang walang nangyari,” natatawang chika ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Nang magkausap sila uli, doon na inamin ni McCoy na inaatake siya ng depression at anxiety at nais niyang tanungin si Elisse kung paano nito nilabanan at hinarap ang kanyang mental health issues noon.

“Kasi naalala ko nu’ng magka-loveteam tayo na pinagdaanan mo ‘yun. Tapos ‘yun nga, eh hindi naman tayo din ‘yung 24 hours magkausap. So sabi ko, paano mo nalagpasan? Tapos ‘yun, after nu’n, nag-seek tayo ng doctor, tinulungan mo ako,” pahayag ng aktor.

Sagot naman ni Elisse, “Kaya rin ako parang pumayag na magkausap tayo kasi naalala ko, kilala kita na hindi ka nga ma-share sa ibang tao. 

“So parang na-feel ko that time, parang ang sama ko naman kung hindi ko kakausapin ‘yung taong may pinagdadaanan tapos alam ko rin na hindi ka magsasabi sa iba,” dagdag pang sabi ni Elisse.
 
Samantala, inamin din ni McCoy na siya ang sumuko sa relasyon nila ni Elisse, “‘Yun ‘yung ‘di ko in-expect eh, (na mapapagod at susuko ako). Kasi alam kong worth it. Ganu’n ako, eh. ‘Worth it ‘to, worth it ‘to,’ kahit ‘yung nasa paligid mo, ‘Hindi, hindi na ‘yan. Tama na, lumayo ka na.’ ‘Hindi, worth it ‘to kasi alam kong meron siyang reason.’ Pero siyempre alam mo masakit naman.”
Ayon naman kay Elisse, talagang nasaktan siya sa ginawa ni McCoy at feeling niya tinraydor siya ng binata.

“Kasi nga nag-expect ako na hindi ka bibitaw or hindi ka maggi-give up or magpapaubaya. ‘Yun, siguro ‘yun. And then, dinaan ko na lang nga sa galit ‘yung feeling ko na betrayal. Parang ganu’n ‘yung feeling ko that time, parang I got left behind,” pag-amin pa ng aktres. 

“Ngayon masasabi ko talaga na iba. Iba compared sa kung paano kami nung beginning. Especially tayo, dumating sa point na ‘yun nga, nag-break, na we hated each other,tags nagalit tayo sa isa’t isa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mas naging iba the second time around kasi nagkaroon ng ganu’n…ngayon it feels more real,” lahad pa ni Elisse.

McCoy, Elisse nagbalikan bago magkapandemya; may 4 ‘magic word’ para sa LDR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending