Aga napiling host sa bagong game show ng NET 25; Aiko, Jay 4 years nang magdyowa Bandera

Aga napiling host sa bagong game show ng NET 25; Aiko, Jay 4 years nang magdyowa

Reggee Bonoan |November 01,2021
share this

Aga napiling host sa bagong game show ng NET 25; Aiko, Jay 4 years nang magdyowa

Reggee Bonoan November 01, 2021 - 01:07 PM

Aiko Melendez, Jay Khonghun at Aga Muhlach

MAY gagawin palang game show si Aga Muhlach sa NET 25 na ang titulo ay “Tara Game Agad Agad” produced ng Eagle Broadcasting Corporation.

Hindi pa makapagbigay ng detalye ang ilang napagtanungan namin kung kailan ang airing, anong araw, at sino ang makakasama sa game show na ito ng aktor dahil wala pang announcement ang EBC management.

Nalaman lang namin na may programa si Aga nang aming mapanood ang NET 25 Station ID kung saan huli siyang ipinakita.

Bukod kay Aga ay magkakaroon din ng shows sa network sina Alex Calleja, Nadia Montenegro, magkapatid na Eric at Epy Quizon, Jojo Alejar, news anchor na si Alex Santos, Ali Sotto bukod pa sa dati ng may mga programa tulad nina Robin Padilla, Aicelle Roces, Ruru Madrid, Pia Guanio, Jon Lucas, Vina Morales at Ms. Pilita Corrales.

“Let’s Net Together sa NET 25” ang titulo ng kanta na mabilis tandaan at nakaka-LSS (last song syndrome).

Sinilip namin ang Instagram account ng aktor at may post siya roon ng “back to work” three days ago na kuha sa taping bg “Masked Singer Pilipinas” sa TV5 bilang isa sa judges kasama sina Kim Molina, Cristine Reyes at Matteo Guidicelli.

Ipinakita rin nito ang mga dalang damit na susuutin at sneakers kaya ang tanong sa kanya ng host ng programa na si Billy Crawford, “And you will wear 2 outfits out of the 1000 (big laughing face emoji).”

Hmmm, hindi kaya tatapusin muna ni Aga ang “Masked Singer Pilipinas” sa TV5 saka siya tatalon sa NET 25 o baka puwede naman niyang pagsabayin since magkaiba naman ang konsepto ng mga nasabing show.


Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nagpadala kami ng mensahe kay Aga through Facebook at ito lamang ang naging sagot niya sa amin, “Long time! Kamusta?! We tape this week for our pilot. So I’m thinking we air 2nd weekend of Nov. Not sure yet but I’ll let you know.”

* * *

Parehong abala sa pagbisita sa kanilang mga nasasakupan ang mga kumakandidato sa pagkakongresista sa District 1 ng Olongapo City, Zambales na si Vice Governor Jay Khonghun at tumatakbong konsehal sa District 5 ng Quezon Ciy na si Aiko Melendez.

Pero kahit busy hindi pa rin nila nakalimutan ang araw ng kanilang anibersaryo na naganap kahapon.
Ipinost ni Aiko ang ilang larawan nilang dalawa ni VG Jay na ang caption ay, “4 years and Going stronger! Happy Anniversary baby @vicegov_jaykhonghun. Thank you for sharing with me your positive outlook in Life, when I go panicky, you calm and soothe me.

“When I feel that things are bigger than I am you hold my hand and assure me that together we can do anything. Our love is not perfect.  We fight, we make up but one thing we can’t is to live without each other!

“Thank you for loving me unconditionally for supporting my dreams! Thank you for loving me so much, the knowledge when I fall and stumble, you are there to pick me up. (heart emoji).

“Love you baby @vicegov_jaykhonghun Happy 4th post anniversary celebration. Together we conquer any problems come what may (emoji 3 hearts) Jay Khonghun.

“We’ve come this far because of the love and understanding we have, and I’m happy to be doing this with you. As we celebrate our anniversary, I hope the light of our love keeps burning. 

“I know that the future holds so much for us, and I can’t wait to be in it. Happy 4th year anniversary, Baby Aiko Melendez. I’ll keep on loving you as much as life permits me to.”

Bumuhos naman ng pagbati sa magsing-irog mula sa kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz, isama pa ang mga constituents nila at ilang nakasama ni Aiko noong una siyang nanungkulan sa gobyerno.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending