Ano ang ginagawa ni Chito para makatulong kay Neri sa pag-aalaga ng kanilang pamilya? Bandera

Ano ang ginagawa ni Chito para makatulong kay Neri sa pag-aalaga ng kanilang pamilya?

Ervin Santiago |October 25,2021
share this

Ano ang ginagawa ni Chito para makatulong kay Neri sa pag-aalaga ng kanilang pamilya?

Ervin Santiago October 25, 2021 - 03:34 PM

Chito Miranda, Neri Naig, Miggy at Baby Cash

GINAGAWA ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang lahat para makatulong sa asawang si Neri Naig sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Muling ibinandera ni Chito sa social media ang appreciation post para sa kanyang misis na talaga namang hands-on sa pagiging mommy sa kanilang newborn na si Manuel Alfonso Miranda pati na sa kanilang panganay.

At kahit nga aligaga ang aktres sa pag-aalaga kay Baby Cash ay nagagawa pa rin nito ang iba pa niyang responsibilidad kabilang na ang pagpapatakbo sa kanilang negosyo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Chito ng litrato ng kanyang mag-iina at nagpasalamat sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal na ginagawa nito at ibinibigay sa kanilang pamilya.

Aniya sa caption, “Eto na talaga yung feeling na kumpleto na yung buhay mo…yung wala nang hihilingin pa.”

Dagdag pang mensahe ng OPM icon at award-winning songwriter, “Shout-out pala sa asawa ko na kahit bagong panganak, mas pinipilit nya pa akong magpahinga at wag magpuyat kesa tulungan sya sa pag-alaga kay Cash…

“Pero syempre dinadamayan ko pa rin sya hangga’t maaari, kasama ng Mommy ko, at ang ninang ng bayan na si @ninangmace,” sey pa ni Chito.


Sa huli, sinabi pa ng singer-composer na naghahanap siya ng iba’t ibang paraan para mapagaan ang trabaho ni Neri habang naka-focus ito sa pag-aalaga kay Baby Cash.

“Ang ginagawa ko, si Neri nalang mismo ang inaalagaan ko, at nililibang ko nalang si Miggy para makabawi si Neri ng tulog tuwing may chance na magpahinga sya,” dagdag pang pahayag ng bokalista ng Parokya ni Edgar.

Nauna rito, nagbahagi rin si Neri sa IG ng litrato ng dalawang anak kung saan makikitang natutulog si Baby Cash.

May caption itong “My boys” at sinundan ng hashtag na “#MirandaBrothers.” 

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending