Dancer/vlogger hindi gusto ng magulang ng girlfriend; Albie, Kyle, Chie pasok bilang celebrity housemates sa 'PBB Kumunity' | Bandera

Dancer/vlogger hindi gusto ng magulang ng girlfriend; Albie, Kyle, Chie pasok bilang celebrity housemates sa ‘PBB Kumunity’

Reggee Bonoan - October 22, 2021 - 06:30 PM

Dancer/vlogger hindi gusto ng magulang ng girlfriend, nakikiusap na sana'y umuwi na ang anak

Naghihinagpis ang magulang ng girlfriend ng kilalang dancer cum vlogger dahil iniwan sila ng anak nilang katatapos lang mag-aral para sumama sa boyfriend nito.

Naka-tsikahan namin ang ama ng girlfriend ng kilalang vlogger na sobrang sama ng loob niya dahil hindi sila boto ang sinamahan ng anak ay.

“Alam mo ba ‘yung pakiramdam naming mag-asawa na matapos mong ibigay lahat sa anak mo, pinag-aral mo sa magandang eskuwelahan, nagtapos ng may medalya tapos ganu’n. Kahit na anong pigil namin ayaw, eh. Hindi ko alam kung anong nakita ‘jan kay (pangalan ng dancer at vlogger),” bungad sa amin.

Nasa hustong taong gulang na si girl kaya walang magawa ang magulang kundi pagsabihan siya at sana umuwi na lang sa kanila. Hindi naman siya breadwinner dahil may kaya ang pamilya nito.

“Dumalaw sa bahay ‘yan si (dancer/vlogger) at walang galang, parang taga-kanto. Kaya nagmarka siya sa akin. Hindi ko alam anong nakita ng anak namin sa kanya. Ang mama niya umiiyak lagi,” sabi pa ng ama na naglabas talaga ng sama ng loob.

Hindi showbiz at walang kakilala ang ama sa industriya kaya naguguluhan siya sa nangyayari at kultura ng dancer/vlogger na boyfriend ng anak.

Anyway, walang regular na trabaho si dancer/vlogger at umaasa ang siya sa kita ng YouTube channel niya na sa tingin namin ay hindi ito sapat para gastusin nila ng girlfriend niya dahil hindi kalakihan ang views. At sa pagkakaalam din namin ay tumutulong din si dance/vlogger sa pamilya nito.

Ayon pa sa ama ng ka-relasyon ng dancer/vlogger ay dating nakatira sila sa sikat na condominium pero lumipat na isang maliit na apartment ngayon dahil hindi na kinaya ang upa.

“Sana bumalik na lang siya sa bahay, open naman, eh,” sambit ng ama ng babaeng ka-live in ng dancer/vlogger.

Malaki ang agwat ng edad ni dancer/vlogger at ng girlfriend niya ngayon pero kung nagkakasundo naman silang dalawa, e, hindi ito problema.

* * *

Naging pasabog ang pagsisimula ng “PBB Kumunity” Celebrity Edition noong Sabado (Oktubre 16) nang inanunsyo na kabilang sa lima pang karagdagang celebrity housemates ni Kuya ang Kapamilya stars na sina Kyle Echarri, Albie Casino, at Chie Filomeno.

Ikinagulat ng netizens ang sorpresa ni Kuya kaya naman nakapagtala ang programa ng multiple trending topics sa Twitter at nasungkit pa nito ang number one spot.

Sabay ding ipinakilala ni Kuya ang dalawang Kumu streamers na magiging celebrity housemates din. Sina Jordan Andrews at Benedix Ramos ang dalawang nagwagi sa ginanap na “Online Bahay ni Kuya on Kumu.” Kasalukuyang tinatapos ng lima ang kanilang mandatory quarantine at medical at psychological tests bago pumasok sa bahay ni Kuya.

Sa loob ng bahay, matagumpay naman ang celebrity housemates na sina Alexa, Alyssa, Anji, Brenda, Eian, John, Karen, KD, Madam Inutz, Sam, Shanaia, at TJ para sa kanilang unang task dahil naghari ang kanilang bayanihan. Gamit ang kanilang naipon na bitcoins mula sa online ambagan livestream, nakuha ng housemates ang mga kinakailangan nilang furniture at appliances sa “PBB” house sa loob ng 100 na segundo kada grupo.

Samantala, patuloy ang paghahanap ni Kuya ng adult housemates dahil muling nagbukas ang online auditions para sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition. Bukas ang auditions via Kumu hanggang sa katapusan ng buwan (Oktubre 31, 11:59 pm).

Kailan kaya papasok sina Kyle, Albie, Chie, Jordan, at Benedix? Muli kayang magtagumpay ang housemates sa tasks ni Kuya ngayong linggo? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 7 pm ng weekend. I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:
Ivana emosyonal na binalikan ang alaala ng ama: ‘Wag n’yo hintaying mawala ‘yung tao
Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending