Robi Domingo sinagot ang paratang na ginagamit niya si Maymay | Bandera

Robi Domingo sinagot ang paratang na ginagamit niya si Maymay

Therese Arceo |October 19,2021
facebook
share this

Robi Domingo sinagot ang paratang na ginagamit niya si Maymay

Therese Arceo - October 19, 2021 - 04:37 PM

Robi sinagot ang paratang na ginagamit niya si Maymay: I don't tolerate toxic people

HINDI na nagpatumpik-tumpik pa ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo at diretsahang sinagot ang mga paratang na ginagamit lang niya ang kapwa Kapamilya star na si Maymay Entrata.

Ibinahagi ni Robi ang screenshot ng mensahe mila sa isang fan ng MayWard kung saan sinabi ng fan na naasar siya sa TV host dahil mukhang ginagamit lang nito ang aktres.

Marami rin sa mga MayWard fans ang nagagalit kay Robi dahil boto raw si Robi kay Donny para kay Maymay.

“Naasar na sayo sir iba mayward kasi ginagamit mo lang daw si mm tapos boto may kay donny kaya nagdelulu mga iba fans ni mm at nagkaron ng maydon.. dapat respect mo naman feeling ni edward.. salamat,” sey ng netizen.

Sinagot naman ito Robi at sinabing walang namamagitan kina Donny at Maymay at magkaibigan lamang ang dalawa.

“There’s nothing between Donny and Maymay except friendship. Edward is a close friend of mine as well. Please respect that.

If you guys think that way, then we can always end it anytime. I don’t tolerate toxic people,” sagot ni Robi.

Magkasama ngayon sa isang proyekto sina Robi at Maymay sa online talk shoe na “Call Me MayBi” kung saan sila ang tumatayong hosts.

Si Robi rin ang nagpo-produce ng nasabing show na mapapanood tuwing Biyernes ng gabi sa Kumu.

Aniya, kung patuloy raw na magiging ganito ang mga fans at ititigil na niya ang pagpo-produce ng show.

“The very reason why I made this is I see potential in Maymay and I value inclusivity. If you don’t see these, then I am a failure and I shall stop,” dagdag pa nito.m

Mariing idiniin rin ni Robi na mahalaga sa kanya ang mga kaibigan at hindi siya nangto-tolerate ng mga toxic people.

Humingi naman ng pasensya si Maymay Entrata sa naging asal ng isa sa kanyang mga supporter.

“Pasensya ka na kuya robs. Gudtuhin ko man na matigil ang ganitong eksena pero gusto ko malaman mo kahit ano ng masamang sabihin ng ibang tao tungkol sayo, mangingibabaw ang katotohanan na busilak ang puso mo kuya at lagi kang may good intention sa mga mahal mo sa buhay. Aja kuya!” sey ni Maymay.

Matatandaang nilinaw na rin noon ni Maymay na walang espesyal na namamagitan sa kanila ni Donny Pangilinan.

“Gusto kong magpasalmat sa bawat isa sa mga sumusuporta sakin since day one. Sa lahat ng MayDion fans thank you pero gusto ko rin pong klaruhin na wala pong namamagitan sa aming dalawa. Sana ma stop po ang pag spread ng rumors about sa amin. Maraming salamat po,” saad ni Maymay.

Nilinaw rin niya na hindi rin sila magkarelasyon ni Edwars Barbers.

Aniya, “Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man.. wala po kahit sino sa showbiz, wala.”

Mukhang non-showbiz ang nagpapatibok at nagpapasaya sa puso ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karagdagang ulat:
Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako!
Maymay sinagot na ang tanong kung si Donny nga ba ang ‘mystery boyfriend’

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending