Maymay sinagot na ang tanong kung si Donny nga ba ang 'mystery boyfriend' Bandera

Maymay sinagot na ang tanong kung si Donny nga ba ang ‘mystery boyfriend’

Ervin Santiago |June 11,2021
share this

Maymay sinagot na ang tanong kung si Donny nga ba ang ‘mystery boyfriend’

Ervin Santiago June 11,2021 - 05:05 PM

MAY relasyon nga ba ang dalawang Kapamilya youngstars na sina Maymay Entrata at Donny Pangilinan?

May mga tsismis kasing kumakalat na ang secret boyfriend umano ni Maymay ay si Donny at kaya raw hindi pa nila ito inaamin sa publiko ay dahil may iba pang ka-loveteam ang binata, si Belle Mariano.

Diretsahan itong sinagot ng young actress at recording artist nang mag-guest sa online show ng ABS-CBN na “HotSpot”.

Ipinagdiinan ni Maymay na wala silang relasyon ni Donny, talagang naging malapit lang sila sa isa’t isa dahil madalas silang nagkakasama sa iWant ASAP bilang mga host at performer.

Kasunod nito dinenay din niya ang mga naglalabasang chika na nagde-date sila ng kanyang ka-loveteam na si Edward Barber.

“Isa ito sa assumptions, nang sa gayun ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man.

“Siguro nagsimula ‘yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. At doon yata may mga (video) clip na parang nami-misunderstood nila ‘yung mga galawan namin, ‘yung smile namin, na akala nila nagtitinginan. 

“Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero, hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala,” paglilibaw ni Maymay.

Nagbigay din ng mensahe ang dalaga sa lahat ng kanyang mga fans na mula noon hanggang ngayon ay patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya — kahit ano pa raw ang mangyari.

“Nagpapasalamat din ako sa lahat talaga ng mga fan na kumbaga kahit di ako nage-effort na pasayahin kayo, pinapasaya niyo ang sarili niyo. Joke, sorry!

‘Naa-appreciate ko ‘yon at natutuwa lang din naman ako. Pero para maging clear ang lahat hindi ako kay Donny. Wala pong kahit sino sa showbiz na in a relationship ako,” aniya pa.

Samantala, sinabi rin ni Maymay na ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon ay wala sa show business.

“Nabanggit ko na naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo. Hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz,” diin pa ng Kapamilya star at Pinoy Big Brother Lucky Season 7 big winner.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending