Aiko wagi bilang 'Best Supporting Actress' sa 34th PMPC Star Awards Bandera

Aiko wagi bilang ‘Best Supporting Actress’ sa 34th PMPC Star Awards

Reggee Bonoan |October 19,2021
share this

Aiko wagi bilang ‘Best Supporting Actress’ sa 34th PMPC Star Awards

Reggee Bonoan October 19, 2021 - 11:38 AM

Aiko wagi bilang "Best Actress" sa 34th PMPC Star Awards

HABANG nasa lock-in taping ng “Primadonnas” si Aiko Melendez ay nanood siya ng katatapos na 34th PMPC Star Awards for Television kung saan nanalo siya bilang Best Supporting Actress para sa nasabing programa ng GMA 7.

Dahil sa pandemya kaya virtual ang ginanap na PMPC awards night at pinasalamatan niya ang bumubuo nito sa kanyang thank you speech.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay pinasalamatan naman ng aktres ang bumubuo ng “Primadonnas” at mga bossing niya sa Kapuso network.

Ni-repost ni Aiko ang larawan niyang ginawang art card ng GMA.

Ang caption ng aktres, “Walang hanggang pasasalamat ko po sa inyong lahat (emoji heart) my Primadonnas family! I wouldn’t have done it alone, hindi ko pwede solohin ang credit, Team work po ito! I am blessed with a director who have so much faith in me, Direk Gina Alajar! Mahal na mahal po kita and abot sa langit ang aking respeto at paghanga po s’yo, di lang bilang director ko pero bilang 2nd mom ko po (emoji smiley).

And direk Aya (emoji heart) salamat po. Salamat to Ms Redgynn Alba our PM lady boss! Salamat sir Erwin Manzano Hilado, Ms Marissa Jesuitas-Hilario (emoji heart).”

At dito ikinuwento ni Aiko na hindi siya ang unang napiling gumanap bilang Kendra na karakter niya sa Primadonnas.

“Alam nyo ba na di ako ang first choice for Kendra? Trivia, but this project was really meant for me, coz I remember praying na kung maantay nila ako from my US trip then, para sa akin talaga ito.”

At dahil kumakandidato si Aiko sa pagka-konsehal sa ika-limang Distrito ng Quezon City ay nagsabi na siya na ang Primadonnas ang huling programa niya sa ngayon.

“Now on our 2nd season, and as I have mentioned in my speech this might be my last show for now, as I’m going back to public service.

“The secret power of being able to maintain my stature as an actress is simply giving it my best and never stop learning. I can’t stop from my last project. I have to keep doing my best in everything I do. So there goes my story!

“Lord thank you akala ko po di na mauulit muli ang recognition na ito but you just keep blessing me with more than what I deserve. Salamat Jesus (emoji praying hands). Pahiram mo lang po itong talento na ito sa akin. Who would have thought that PMPC Star Awards for TV will be mounted in a pandemic?

“They made it… And I made it as well. Salamat po (emoji praying hands) still in cloud 9 now guys! Pasensya na kahit madami na akong tropeo modesty aside I still get excited as much as my first.

“To all my fans salamat utang na loob ko sa inyo ang lahat! Kendra Fajardo wanna be “Claveria “will live on forever etched in my heart! But for now I’m signing off but not for too long (emoji smiley) love you guys!”

At siyempre ang mga anak niya, ina, mga kapatid, ang kanyang love of her life na si Zambales Vice Governor na si Jay Khonghun, ang namayapang tumayong ama at ang long time friend niyang talent manager/vlogger na si Ogie Diaz.

“Andre Yllana and Marthena Jickain love you! VG Jay Khonghun ilabyou (emoji heart), mom Elsie Castaneda to my siblings Angelo Castaneda, Michiko Castaneda- Bibit, Erika Akiko Castaneda Jacinto, My daddy Dan Castaneda I miss you so much (emoji crying) Especially now (emoji sad face), Mader Ogie Diaz na di napapagod pangaralan ako sa bawat aspeto ng buhay ko salamat!

“Huhusayan ko pangako Ang pagsisilbi sa tao, kagaya ng pangangalaga ko sa estado na aking narating. Aalagaan ko ito ng buong tapat (emoji heart) Aiko Melendez po.”

Nagpadala kami ng mensahe sa aktres thru FB kung hanggang kailan siya sa lock-in taping niya.

“Hi Ate Reg hanggang 29 (Oktubre). Kaya personal na akong makikita ng mga taga District 5.

“Sobrang nagpapasalamat nga ako sa Team Aiko kasi kahit nasa taping ako araw-araw silang namamahagi ng tulong sa buong distrito. Kaya sobrang bless ako sa kanila,” sagot ni Aiko.

Tsinek nga namin ang FB page na Aiko Melendez QC ay oo nga, nakapost doon ang lahat ng aktibidades ng Team niya na halos araw-araw ay naglilibot at namamahagi ng ayuda, mga gamot at iba pa.

Karagdagang ulat:
Aiko ginagamit ang kita sa YouTube para makapagbigay ng ayuda sa mga kapuspalad
Juday, Maja, Jennylyn, Sunshine, Nora, Sylvia at Coney laban-laban sa 34th Star Awards For TV
Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending