Aiko ginagamit ang kita sa YouTube para makapagbigay ng ayuda sa mga kapuspalad | Bandera

Aiko ginagamit ang kita sa YouTube para makapagbigay ng ayuda sa mga kapuspalad

Reggee Bonoan - March 23, 2021 - 03:36 PM

IBINALIK na ni Maria Kendra Melendez sa tunay niyang pangalan na Aiko Melendez ang pangalan niya sa Facebook dahil marami raw ang nalilito.

Si Kendra ay ang karakter ng aktres sa teleseryeng “Prima Donnas” sa GMA na nagtapos na kamakailan pero balitang magkakaroon agad ng book 2.

“I changed my name lang kasi nalilito na mga tao sa name ko. Ha-hahaha!” bungad sa amin ni Aiko nu’ng tanungin namin bakit nabago ang FB account name niya.

Masaya niyang ibinalita na bukod sa may book 2 ang “Prima Donnas” ay may bago pa siyang project kasama sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara at iaanunsyo niya ito pagkatapos ng Mahal na Araw.

Walang bakasyong magaganap sa pamilya Melendez at Castañeda ngayong Holy Week at stay at home lang daw sila.

Sabi ni Aiko, “Dito kami sa house lang mag-Holy Week kasi nga pataas nang pataas ang COVID cases so, since ate me trauma na kami dahil sa nangyari sa Dad (Dan Castañeda) ko stay home completely kami.

“Uuwi lang ako ng Zambales before Holy Week kasi may aayusin ako du’n ate. Mag-ingat ka ate bahay muna kayo pls,” ang sabi sa amin ni Aiko.

Oo nga, mahigpit na bilin ni Aiko sa lahat ng kaibigan niya na kung wala rin lang importanteng lakad ay mas mabuting nasa bahay na lang muna dahil hindi talaga biro ang magkaroon ng COVID.

“Sana seryosohin ng tao ang COVID kasi nakamamatay talaga, kung wala naman important na lakad ‘wag na umaalis,” saad pa niya.

Aminado rin ang aktres na kapag nababasa niya sa social media at napapanood sa news na pataas nang pataas ang mga kaso ng COVID bukod pa sa mga namamatay ay talagang takot na takot siya lalo’t kasama niya sa bahay ang kanyang Mommy Elsie.

“Yes ate talagang takot kami for my mom, siyempre senior na s’ya kaya super ingat kami,” diin pa ni Aiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At habang nasa bahay ay ang paggawa ng content sa YouTube channel niya ang ginagawa ni Aiko para sa mahigit na 500k niyang subscribers at ang kita nito ay ipinapangtulong niya sa mga nangangailangan at ibinibili ng essentials pero ayaw na niyang banggitin kung sinu-sino ang mga ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending