Misis ni Alfred laging napagkakamalang si Marian; 'Ngiting Artista Program' umaariba pa rin | Bandera

Misis ni Alfred laging napagkakamalang si Marian; ‘Ngiting Artista Program’ umaariba pa rin

Ervin Santiago - October 17, 2021 - 09:13 AM

A;Alfred Vargas, Yasmine Vargas at PM Vargas

IN FAIRNESS, ang dami talagang nagsasabi na napakalaki ng pagkakahawig ng asawa ni Alfred Vargas sa Kapuso actress at TV host na si Marian Rivera.

May mga netizens pa nga ang nagsabi na palagi nilang napagkakamalang si Marian ang misis ni Alfred, lalona kapag nakangiti ito.

Kaya naman marami ang nagtatanong kung bakit hindi raw pinasok si Yasmine Vargas ang showbiz dahil pasadung-pasado nga ito dahil tunay namang artistahin ang kanyang aura.

Ngunit wala talagang plano ang half-Filipina, half-Italian wifey ni Alfred dahil mas kinarir niya ang pagiging housewife at mommy.

Komento nga ng mga netizens, napakaswerte raw ni Alfred kay Yasmine dahil bukod sa napakaganda na at kamukha pa ni Marian, napakabait pa raw nito at talagang magaling mag-alaga ng pamilya.

In fairness, mahigit isang dekada na ang kanilang pagsasama at sabi nga ng kongresista, hanggang ngayon ay kilig na kilig pa rin siya sa tuwing tititigan at lalambingin si misis.

At bukod nga sa ganda at pagiging mabuting asawa, napakakinis at napakaseksi pa rin ni Yasmine kahit tatlo na ang kanilang mga anak. And aside from that, matulungin din ito sa mga nangangailangan.

Sabi nga ng aktor at public servant, ang kanyang asawa at mga anak ang nagpapangiti at nagpapasaya sa kanya sa bawat araw ng kanyang buhay. 

“Mga anak ko at misis ko. Family. Malaki rin ang ngiti ko kapag nakita kong nakatulong ako sa ibang tao. More on fulfillment ang nararamdaman ko kapag ganu’n. Ang sarap ng feeling!” sabi ni Alfred.

https://bandera.inquirer.net/290951/alfred-vargas-hindi-lalayasan-ang-showbiz-acting-will-always-be-my-passion-its-my-first-love-pero

And speaking of ngiti, naikuwento rin ni Alfred at ng kapatid niyang si PM Vargas ang tungkol sa isang proyekto na talagang patuloy pa rin nilang ginagawa hanggang ngayon.

“Isa ‘yung Ngiting Artista sa mga proud tayong projects through the years. More than a decade na natin itong ginagawa. At lahat ng nakatatanggap ng ngipin-pustiso tuwang-tuwa. 

“Dito natin makikita ang halaga ng magandang ngiti, isang confident na ngiti. Kasi ang sarap mag-aplay ng trabaho at magpa-interview kapag confident ka. 

“Kapag may maganda kang ngiti maganda rin ang pakikisama mo, a simple smile can make one person a very, very happy,” sabi ng aktor.

Sey naman ni PM, “Ang ngiting artista ay isang programa kung saan tayo ay nagbibigay sa ating mga constituent ng libreng pustiso since 2010. Konsehal pa lang si kuya (Alfred) ay nagbibigay na tayo nyan. 

“Napakaimportante niyan sa maraming tao kasi kahit kami kapag nag-iikot kahit hindi pa uso ang facemask tinatakpan nila ang bibig nila nahihiya talaga sila minsan kung kulang sila sa ngipin. 

“At siyempre hindi lang para sa magandang ngiti pero siyempre para sa kalusugan nila. Kasi kung wala kang ngipin paano ka ngunguya. Paano ka makakakain ng masasarap na pagkain tulad ng chicharon, crispy pata?” aniya pa.

“Para sa mga gustong sumali, i-PM nyo na lang po ang inyong lingkod @pmvargasD5 dahil po once na magbukas na po uli ang slots para sa ating libreng pustiso ay ipapasok po nating lahat kayo,” dugtong pa ni PM.

Pahabol pa ni Alfred, “Sana sa Ngiting Artista Program na ito lahat ng ating mga ka-distrito natin makangiti ng makangiti araw-araw at nakapagdala ito ng saya hindi lang sa bawat pamilya ng Novaleño kundi sa buong distrito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para naman kay Alfred, ang ilan sa mga artistang may pinakamagandang ngiti para sa kanya ay sina Julia Roberts, Jessica Alba, Diana Zubiri at Shaina Magdayao. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending