AJ Raval sa hiwalayang Aljur-Kylie: Hindi ako naging third party | Bandera

AJ Raval sa hiwalayang Aljur-Kylie: Hindi ako naging third party

Therese Arceo |October 16,2021
facebook
share this

AJ Raval sa hiwalayang Aljur-Kylie: Hindi ako naging third party

Therese Arceo - October 16, 2021 - 04:51 PM

AJ Raval sa hiwalayang Aljur-Kylie: Hindi ako naging third party

HINDI na nakatiis ang sexy star na si AJ Raval at nagsalita na ito laban sa mga akusasyon ng mga “Marites” at mga “Mosang” na siya ang third party sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Nitong Biyernes, Oktubre 15, nilinaw ng sey actress na hindi siya ang “third party” at dahilan ng paghihiwalay ng celebrity couple. Aniya, mabuti siyang tao at hindi niya kayang gumawa ng masama gaya ng mga ibinabato ng mga netizens sa kanya.

“Just to be clear, hindi ako ang naging third party. Okay guys? Mabuti akong tao at hindi ko kayang gumawa ng masama,” saad nito sa kaniyang Facebook account.

Hindi na kasi siya tinantanan ng mga bashers at patuloy pa rin siyang inaakusahan bilang “third party” matapos nitong aminin na nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica.

Sa huli ay nagpasalamat naman ang sexy actress sa mga nakakaintindi sa kanyang kalagayan.

“Thank you sa mga nakakaintindi at sa support na natatanggap ko na appreciate ko kayong lahat,” sey ni AJ.

Samantala, nilinaw na rin naman ni Kylie Padilla sa kaniyang mga pahayag na hindi si AJ ang third party sa paghihiwalay nila ng asawang si Aljur.

“Yes, I just want to confirm na hindi nga si AJ ang third party,” saad ng aktres.

Hindi rin naman niya tinukoy kung sino ang third party o kung mag third party nga ba talagang naging dahilan sa kanilang paghihiwalay.

Sinabi rin nito na walang issue sa kaniya kung nali-link sa iba ang kaniyang estranged husband.

“Gusto ko na lang mag-move on.

“We separated last April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left,” sey ni Kylie.

Karagdagang ulat:
Heaven, Kiko nakitang magkasama sa birthday party; magdyowa na nga ba?
Joy Reyes itinanggi ang paratang bilang ‘third party’ sa hiwalayang LJ-Paolo
Cindy Miranda nagsalita na sa balitang siya ang dahilan sa hiwalayang Aljur at Kylie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending