Cindy Miranda nagsalita na sa balitang siya ang dahilan sa hiwalayang Aljur at Kylie | Bandera

Cindy Miranda nagsalita na sa balitang siya ang dahilan sa hiwalayang Aljur at Kylie

Karlos Bautista |July 09,2021
facebook
share this

Cindy Miranda nagsalita na sa balitang siya ang dahilan sa hiwalayang Aljur at Kylie

Karlos Bautista - July 09, 2021 - 04:01 PM

 

Maugong ang chika sa social media na si Cindy Miranda ang sinasabing third party sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

May kinikilig at sinasabing bagay ang sina Aljur at Cindy sa promotional photos ng movie nilang dalawa. Pero may mga maaanghang ding akusasyon  sa dating beauty queen na pinaparatangang nanira ng isang pamilya.

Itinanggi ito ng dalaga.

“Hindi po ako ang rason ng pahihiwalay ni Aljur at Kylie. I’m not the third party,” wika ni Cindy na kinoronahang Binibining Pilipinas Tourism International noong 2013.

“Magkatrabaho lang po kami ni Aljur at sa totoo lang first time ko lang siyang makakatrabaho sa movie na ‘Nerisa’ under Viva Films,” dagdag pa ni Cindy.

Noong Huwebes ay ibinunyag ni Robin Padilla na hiwalay na nga sina Aljur at ang kanyang anak na si Kylie.

Sinabi pa ni Binoe na umamin is Kylie na may third party.

Sa post ni Cindy ng mga promotional photos ng “Nerisa” sa kanyang Instagram, isang follower ang nag-comment: “Sana pure work lang kayo. Wag ka sana maira ng pamilya.”

Sinagot ito ni Cindy ng,  “Yes. Very professional. I’m not the third party, thanks.”

Sinabi pa niya na first time lang niya na makatrabaho si Aljur.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“He’s very professional,” wika niya.

Sa pelikulang “Nerisa”, si Cindy ay love interest ni Aljur.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending