Kylie gusto pa ring magkadyowa sa tamang panahon: Ang sarap ma-in love, eh! Bandera

Kylie gusto pa ring magkadyowa sa tamang panahon: Ang sarap ma-in love, eh!

Ervin Santiago |October 13,2021
share this

Kylie gusto pa ring magkadyowa sa tamang panahon: Ang sarap ma-in love, eh!

Ervin Santiago October 13, 2021 - 09:02 AM

Aljur Abrenica at Kylie Padilla

MUKHANG tuluyan na ring naka-move on ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa controversial break-up nila ni Aljur Abrenica.

Tanggap na rin ng anak ni Robin Padilla ang katotohanan na may iba nang mahal ang nakahiwalay na asawa sa katauhan ng Viva Artists Agency talent na si AJ Raval.

Ayon kay Kylie, tulad ni Aljur, nais din niyang ma-in love uli at magkaroon ng another chance pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

“I’m not closing my door (na magkaroon uli ng dyowa). Ang sarap ma-in love eh, totoo naman ’yon. I do wish for myself that in the right time or whatever,” ang  pahayag ni Kylie sa panayam ng “24 Oras” kagabi. 

“It’s about freeing yourself from whatever you feel when it comes to that person because no matter what you say, feel, or do, if you don’t free yourself from those emotions, you’re trapped,” paliwanag ng celebrity mom.

Nabanggit din niya na nag-usap na sila ni Aljur tungkol sa kanilang pagiging magulang sa dalawa nilang anak, “Kung ano man yung pinagdaanan namin, may understanding kami.”

Aminado ang aktres na failure nila bilang mga magulang ang nangyari sa kanilang relasyon kaya kailangan daw nilang bumawi sa ibang aspeto ng kanilang buhay, kabilang na ang pagiging masaya para sa kaligayahan ng bawat isa.

Maayos naman daw ang buhay niya ngayon bilang single mom kasama ang mga anak na sina Alas at Axl sa bagong bahay na kanilang nilipatan.

Sa isang panayam, sinabi ni Kylie na huwag nang gawan ng isyu ang mga chika tungkol kina Aljur at AJ dahil nagkasundo na rin sila ng kanyang estranged husband na pwede na silang makipag-date sa iba.

“Alam n’yo, gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya. Kasi, siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila.

“And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto ‘yon. Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila,” pahayag pa ni Kylie.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending