Katrina Dimaranan umaming nasaktan, may ni-reveal sa MUPh journey: It has tested me, challenged me…
“I may not know or understand what the reason is for this is yet, but I know in time I will.”
AMINADONG nasaktan si Katrina Dimaranan sa naging resulta ng katatapos na Miss Universe Philippines (MUPh) 2021 na ginanap sa Panglao, Bohol.
Hindi naman siya uuwing luhaan dahil kinoronahan siyang MUPh Tourism, isa sa mga bagong title at pangalawa sa pinakamataas na korona ng nasabing pageant.
Bago ang final coronation night nitong September 30, heavy-favorite si Dimaranan ng iba’t ibang pageant enthusiasts sa loob at labas ng bansa. Sa katunayan, siya ang nanguna sa mga hot picks na inilalabas ng mga ito sa kanilang social media pages.
Sa Instagram post ng @real_missosology, umangat sa unang pwesto ng kanilang bets ang pambato ng Taguig simula nang ipalabas ang preliminary competitions. Ipinakita umano ng dalaga ang kanyang ‘veteran moves’ sa simula pa lang ng bubble.
“With barely three months left before the next edition of Miss universe, it would be wise for the organization to pick a polished representative and Katrina definitely ticks all the boxes.
“With that beautiful face, improved public speaking skills, and overflowing charisma, Katrina is all set to finally wear the crown she has long deserved!” ani ng page na naka-predict ng maraming winners sa mga nakaraang national at international pageants.
Binansagan din siyang ‘pambansang bes’ dahil sa kanyang jolly at friendly vibes sa pictorial set, interviews maging sa mga kapwa kandidata.
Pangmalakasan din ang bitbit na pageantry credentials ni Katrina nang unang sumali at kinoronahang Binibining Pilipinas Tourism noong 2013. Naging representative din siya ng USA at nagwagi bilang first runner-up sa Miss Supranational 2018.
Dahil dito, nagulantang na lang ang lahat nang naging mailap pa rin ang MUPh crown para sa kanya.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Katrina na isang ultimate goal daw ang pagsali at maipanalo ang Miss Universe Philippines crown pero aniya baka hindi ito ang plano ng Panginoon sa kanya.
“I would not change one thing about my Miss Universe Philippines journey. It has tested me, challenged me, but ultimately brought out the best in me. (red heart emoji) I aimed for my ultimate dream, but achieving that dream was not part of His ultimate plan for me.
Inamin din niyang katulad ng kanyang mga supporters ay nasaktan din ito ngunit nagbigay siya ng paalala na kahit anoman ang maging kinalabasan ng pangarap natin ay huwag na huwag dapat susuko.
“Just like many of you, I am also hurt, but the hurt I feel right now is part of the process and my joy of knowing I left my heart out on that stage and gave my absolute best, defeats that pain. In time I’ll be fully healed, back and stronger,
“With that said I am beyond blessed and thankful to every single person that has been a part of my journey and want to remind you to never give up on a dream no matter the outcome, remain true to who you are, and always stay kind and grateful,” ani ng 28-year-old beauty queen.
True enough, queenly attitude talaga ang ipinakita niya. Say pa nito, handa at hindi siya natatakot sa kung ano ang naghihintay pa para sa kanya.
Sa dulo ng caption nito, hinikayat naman niya ang pageant fans and beshies na ilaban at suportahan ang nanalong pambato ng ating bansa na si Beatrice Luigi Gomez sa kanyang kampanya para maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown sa Eilat, Israel ngayong Disyembre.
“Let’s channel our fighting spirit for that fifth crown for Bea and encourage Team Katrina, Team Papaya, KatREYNAs (etc. dami kasi lol) to do the same.”
Sa isang interview, hindi naman makapaniwala ang bagong reyna ng buong universe na si Gomez at tila kinikilig pa rin ito habang patuloy na nagsi-sink in sa kanya ang pagkapanalo.
“Kanina ko pa lang na-process lahat when I woke up. I didn’t want to sleep, baka dream lang pala lahat. And then when I woke up, the crown was still there, everything was still there!” pahayag ng Cebuana beauty sa panayam ng ABS-CBN.
Pagpapatuloy pa niya, “Honestly, I was just very satisfied when I joined the top 5. And then it was just me and Katrina. I was like, ‘Oh my God, whatever happens, I’m already a winner.’
Tungkol naman sa ginagawa niyang paghahanda sa Miss Universe 2021, “I’m focusing more on trainings, especially sa communication skills ko and sa pasarela, and the entire performance as well. I’m very excited, and I’m looking forward to all the trainings.”
Kasalukuyan pang nasa Bohol ang mga beauty queens batay sa kanilang latest Instagram stories habang sinusulat namin ang ulat na ito.
Kaugnay na ulat:
Beatrice Gomez ng Cebu City, wagi bilang Miss Universe Philippines 2021
Bea Gomez sa suot na 2021 Miss Univese PH crown: Ayoko talagang matulog, baka dream lang ang lahat!
TRANSCRIPT: Miss Universe Philippines 2021 Final Question and Answer
Vicki Belo may ‘mainit na tsaa’ ukol sa Miss Universe PH 2021
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.