Vicki Belo may 'mainit na tsaa' ukol sa Miss Universe PH 2021 | Bandera

Vicki Belo may ‘mainit na tsaa’ ukol sa Miss Universe PH 2021

Therese Arceo - October 01, 2021 - 04:44 PM

TRENDING ang video ng celebrity doctor na si Vicki Belo kung saan ibinunyag nito na may mga kandidata sa Miss Universe PH 2021 ang lumabag sa protocol ng nasabing pageant.

“Naku, I have chismis for you. Two candidates broke the rules kanina and had their makeup done somewhere else,” chika ni Dra. Belo.

“But I can’t tell you who they are. But that’s not good, breaking rules,” dagdag pa nito.

Isa si Dra. Belo sa mga judges sa Miss Universe Philippines 2021.

Aliw na aliw tuloy ang mga “Marites” dahil sa itinapong tsaa ng doktora.

Kanya-kanya tuloy sila ng hula kung sino sa mga kandidata ang posibleng lumabag sa protocol.

Ani pa ng ibang Marites, baka raw ligwak agad ang dalawa at hindi na umabot kahit sa Top 16 dahil sa paglabag ng protocol.

Pero higit sa pagde-decode kung sino nga ba ang dalawang kandidata ay kinaaliwan rin ng mga netizens si Dra. Belo dahil tila siya na ang “Sandra Lemonon 2.0”.

Matatandaan na noong nakaraang Miss Universe PH 2020 ay nangako itong maglalabas ng “tsaa” ukol sa mga ganap sa pageant ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin mga detalyeng inilalabas ang dalaga.

Ginanap ang Miss Universe PH 2021 coronation night nitong Setyembre 30 sa isang resort sa Panglao, Bohol kung saan si Beatrice Luigi Gomez mula sa Cebu City ang nagwagi ng korona.

Samantala, itinanghal naman bilang Miss Universe Philippines Tourism si Katrina Dimaranan of Taguig at Miss Universe Philippines Charity naman si Victoria Vincent ng Cavite. Si Maureen Wroblewitz ng Pangasinan ang first runner-up at si Steffi Aberasturi ng Cebu Province ang second runner-up.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending