MUPH itinanggi ang isyu kay Jef Albea, posibleng magsagawa ng ‘legal action’
NAGLABAS na rin ng opisyal na pahayag ang Miss Universe Philippines (MUPH) Organization kaugnay sa mga alegasyong hindi binayaran ang trophy maker na si Jef Albea.
Iginiit ng pageant organization na wala silang intensyon na talikuran ang pinagkasunduan nila ng designer.
“[MUPH] vehemently denies the unfounded allegations made by [Albea] regarding the payment for the trophies he supplied,” saad sa ibinanderang pahayag sa social media noong June 13, isang araw matapos mag-post si Jef ng kanyang reklamo.
Dagdag pa, “Contrary to his claims, we have had communications with his staff on this matter.”
Sinabi rin ng MUPH na kailanman ay hindi nila tinakasan ang pagbabayad sa trophies.
Baka Bet Mo: MUPH prod head sumagot sa isyung ‘hindi nagbayad’ sa trophy designer
Paglilinaw nila, sinusunod lang ng organisasyon ang standard procedures pagdating sa pagbabayad sa mga supplier.
“MUPH needs proper documentation for the said transaction,” saad nila.
Babala pa, “Miss Universe Philippines will not hesitate to pursue legal action to address and resolve this unfounded accusation.”
“We urge the public to refrain from spreading misinformation and have faith that the truth will ultimately prevail,” ani pa sa statement.
Magugunitang nauna nang nagsalita patungkol sa kontrobersya ang production head ng MUPH na si Borg Roxas kung saan ikinagulat niya ang naging paratang ni Jef.
Sinabi ni Borg na patuloy namang nakikipag-ugnayan ang kanilang staff sa designer at ang huli nga raw ay noong June 11, ang araw na nag-post ito.
Paglilinaw ng prod head, hindi na-meet ni Jef ang cutoff payments na inilabas sa May 30 dahil hindi ito nag-submit ng mga papeles.
At ang napag-usapan daw ay naka-schedule sa June 15 ang payment nila para sa designer.
Nauna na, aniya, nilang binayaran ang P150,000 para sa mga tropeyo na disenyo ni Jef.
Para sa mga hindi aware, ang apat na trophy ay napunta kina Miss Supranational Philippines Tarah Valencia, Miss Cosmo Philippines Ahtisa Manalo, Miss Charm Philippines Cyrille Payumo, at Miss Eco International Philippines Alexie Brooks.
Matatandaang, sinabi ni Jef sa kanyang post na hindi siya binayaran ng MUPH at nawala nalang ito na parang hangin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.