Police power gagamitin sa mga ayaw magpabakuna – Pangulong Duterte
BINALAAN ni Pangulong Duterte ang mga ayaw magpaturok ng COVID 19 vaccine na gagamitin niya ang police power para mabakunahan ang mga ito.
Paliwanag ng Punong Ehekutibo, ito naman ay para mas maraming Filipino ang magkaroon ng proteksyon at maabot ang ‘herd immunity’ sa pinakamabilis na panahon.
Aniya maiitindihan niya kung ang dahilan ay ang kakulangan ng suplay ng bakuna, ngunit diin niyang ibang usapan na kung maraming bakuna at ayaw pa rin magpaturok.
Paniwala ni Pangulong Duterte, nagiging carrier ng virus ang hindi pa bakunado.
Wala rin umano siyang pakialam kung relihiyon naman ang ginagamit na dahilan kaya’t ayaw magpabakuna.
Hindi naman nakikialam ang gobyerno sa mga paniniwalang pang-relihiyon, ngunit ibang usapan na kung may pandemya.
Ngayon, higit 20 milyon na sa bansa ang fully vaccinated.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.