LJ unti-unti nang nakaka-recover sa break-up nila ni Paolo; kumapit sa pangaral ng pastor
LJ Reyes at Paolo Contis
WALA pa ring sagot ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa mga naging pahayag ni Paolo Contis tungkol sa kontrobersyal nilang paghihiwalay.
Mukhang wala nang balak ang aktres na bweltahan pa ang dating karelasyon at mas gusto na lamang nitong mag-enjoy muna sa buhay sa piling ng kanyang mga anak at ina sa Amerika.
Nitong mga nakaraang araw, nagpasabog ng positive at good vibes si LJ sa social media nang ibahagi niya ang mga naging kaganapan sa pag-attend niya sa New York Fashion Week.
Marami ang natuwa nang makita nilang ine-enjoy pa rin ni LJ ang kanyang pagiging single kahit sariwa pa ang masaklap na nangyari sa pagsasama nila ni Paolo.
Magandang halimbawa raw ang aktres para sa lahat ng babaeng dumadaan din sa mga pagsubok na may kinalaman sa pakikipagrelasyon — pinatunayan daw ni LJ na there’s life after a break-up.
Sa katunayan, naging eye opener din para sa mga kababaihan ang sitwasyon ng aktres — na mas mahalaga pa rin ang self love sa mga panahong basag ang ating puso.
Samantala, muling naglabas sa social media ng “ebidensya” si LJ na unti-unti na siyang nakaka-recover mula sa break-up nila ni Paolo.
Ibinahagi pa niya sa kanyang followers ang life lesson na natutunan niya sa mga libro ni pastor Andy Stanley tulad ng “Irresistible: Reclaiming the New that Jesus Unleashed for the World” at “Better Decisions, Fewer Regrets: 5 Questions to Help You Determine Your Next Move.”
Ipinost pa ni LJ sa kanyang Instagram Stories ang ilan sa mga nabasa niya rito: “We don’t need chapter and verse. We have something better. Namely, Jesus’s new, all-encompassing, inescapably simple command.
“We are to do unto others as our heavenly Father, through Christ, has done unto us. He did what was best for us. We, in turn, are to do what’s best for others, even when less-than-what’s best is embraced as acceptable by the others.
“Love fills the gaps. Love reduces the friction created by our limited insight, knowledge, and judgment-inhibiting experiences.
“There is much I don’t know. There are things I’ll never understand. But my ignorance does not impede my capacity to put others first.”
Sa huling bahagi ng nasabing IG post, sinabi ni LJ na, “So while I’m not always sure what to believe, and while my views on a variety of things continue to mature and change, I almost always know what love requires of me.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.