Nadine viral na naman dahil sa pagbili ng sawsawan ng 'lechon' sa isang sari-sari store sa Siargao Bandera

Nadine viral na naman dahil sa pagbili ng sawsawan ng ‘lechon’ sa isang sari-sari store sa Siargao

Ervin Santiago |August 26,2021
share this

Nadine viral na naman dahil sa pagbili ng sawsawan ng ‘lechon’ sa isang sari-sari store sa Siargao

Ervin Santiago August 26, 2021 - 12:37 PM

Nadine Lustre

VIRAL na ang litrato ng actress-singer na si Nadine Lustre habang bumibili ng “sawsawan” ng ulam sa isang sari-sari store sa Siargao, Surigao del Norte.

In fairness naman sa ex-girlfriend ni James Reid kahit wala siyang make-up at walang kaayus-ayos ay lutang na lutang pa rin ang kanyang Pinay beauty.

Makikita sa kumalat na stolen shot ni Nadine sa social media ang suot niyang swim top na tinernuhan ng denim shorts habang hawak ang biniling bote ng sikat na sawsawan ng lechon.

Isang Facebook user na nagngangalang Arah Mae Conte ang nag-post ng litrato ni Nadine na nagsabing kung sa bahay daw nila nag-stay ang aktres ay hindi niya ito palalabasin.

“Kng pag suyod pa lamang sa bayay tag kit-an ko nkaw di ko nkaw gjud pa lugwaon Nadine (Kung ’pag pasok pa lang sa bahay Nadine nakita na kita, ’di na kita palalabasin),” ang caption ni Arah Mae sa kanyang FB post. 

Aniya pa sa isang panayam, “Nu’ng ’pag picture ko po tumingin lang sa’kin tapos balik po agad sa tinda po namin kasi sinuklian na siya. Sana lang po ’wag magalit si Nadine po, na-shock lang po talaga ako.” 

Wala pa namang violent reactions si Nadine sa viral niyang photo ngayon at feeling naman namin ay hindi siya magagalit sa ipinost ng netizen dahil hindi naman bastos o offensive ang litrato.

Sa katunayan, marami ang nag-repost nito kalakip ang mga nakakatawa at nakakaaliw na memes. Isang fan pag nga ang naglagay ng caption sa photo ng, “Lechon Kawali ulam ni Nadine Lustre.” 

“’Yung nautusan ka ng nanay mong bumili sa tindahan. Nadine living a simple life in Siargao,” sabi naman ng isang Facebook user sa kanyang post.

May nagkomento naman na baka raw matulad na ang dalaga kay Andi Eigenmann na iniwan na tuluyan nang iniwan ang showbiz kapalit ng simpleng buhay sa Siargao kasama ang kanyang pamilya.

Mukha raw kasing enjoy na enjoy talaga ang ex-dyowa ni James sa nasabing isla kaya hindi rin imposible na ma-in love siya sa ganda ng Siargao.

Nauna nga rito, nag-viral din ang ilang litrato ni Nadine kasama ang kanyang rumored foreigner boyfriend na si Christopher Bariou habang naglalamiyerda sa Siargao.

Wala pang kumpirmasyon mula sa aktres kung totoong dyowa na niya ito pero mukhang boto naman ang kanyang mga fans sa guy dahil mas marami ang nabasa naming positive comments about it.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending