Sino sa mga female star na nakatrabaho ni Robi ang pinagselosan nang bongga ni Maiqui Pineda? Bandera

Sino sa mga female star na nakatrabaho ni Robi ang pinagselosan nang bongga ni Maiqui Pineda?

Ervin Santiago |July 27,2021
share this

Sino sa mga female star na nakatrabaho ni Robi ang pinagselosan nang bongga ni Maiqui Pineda?

Ervin Santiago | July 27, 2021 - 08:44 AM

PINAGSELOSAN pala ni Maiqui Pineda ang mga kasamahang babae ni Robi Domingo sa katatapos lang ng katatapos lang na Kapamilya show na “Aja Aja Tayo sa Jeju.” 

Ito ang inamin ng TV host-actor sa isang TV interview kung saan nabanggit nga niya ang mga pangalan ng mga kapwa niya Kapamilya na sina Kristel Fulgar at Shine Kuk.

Ayon kay Robi, sa halip daw na magalit o maasar sa kanyang girlfriend ay kinilig pa siya nang malamang nagselos ito sa pagiging clingy niya sa dalawang co-stars sa “Aja Aja Tayo sa Jeju.”

“Hindi naman sobrang selos na napunta sa galit talaga. Pero during that time na nagiging close ako sa mga kasama ko roon, kina Kristel at saka kay Shine, ang sinabi sa akin ni Maiqui, ‘Why do you have to do that? Why do you have to be clingy?’ Nagtatanong (talaga siya). 

“Sabi ko, ‘Maiqs, ano lang ‘yan stint lang ‘yan.’ ‘But yeah, why do you choose to do that?’, sabi niya. So parang ako, ‘Maiqs teka lang ha,'” ang natatawang kuwento ni Robi. 

“So tumawag ako sa EP (executive producer), ‘Bakit naman kasi pinalabas ‘yang ano?'” hirit pa ng binata.

Patuloy pang chika ng TV host,    “Pero in-explain ko naman sa kanya. We just have to reassure her na teka lang, okay lang ‘yan.”

Ito raw ang unang pagkakataon na  nagselos ang kanyang girlfriend kaya raw siguro kinilig siya. Ngunit nangako siya kay Maiqui na hindi na ito mauulit dahil wala na raw talaga siyang balak na ulitin pa.

Next month ay magse-celebrate na sila ng kanilang 3rd anniversary. Taong 2019 nang ibandera ng magdyowa ang kanilang relasyon sa Black Magic Halloween Party ng Star Magic.

Palaging sinasabi ni Robi sa kanyang mga interview na si Maiqui na ang kanyang “the one” at ang  babaeng kanyang pakasalan.

“One year younger siya. Iniisip ko rin naman ‘yung biological component. Siyempre ang mga babae at the age of ganyan, may pressure din sa kanila. So I take that into consideration,” sey ni Robi.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending