Rabiya may inamin tungkol kay Megan; Myrtle, Elle magpapainit sa 'TBATS' | Bandera

Rabiya may inamin tungkol kay Megan; Myrtle, Elle magpapainit sa ‘TBATS’

Ervin Santiago |July 11,2021
facebook
share this

Rabiya may inamin tungkol kay Megan; Myrtle, Elle magpapainit sa ‘TBATS’

Ervin Santiago - July 11, 2021 - 06:08 PM

ISANG Kapuso beauty queen-actress pala ang talagang idol ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Bago pa man siya sumabak sa mga beauty pageant at lumaban sa nakaraang Miss Universe, mataas na ang respeto at pagtingin ni Rabiya kay Miss World 2013 Megan Young.

In fairness, marami ang nagsasabi na bukod kay Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup, kahawig din daw niya si Megan at ang isa pang Kapuso star na si Sanya Lopez.

Ayon sa dalaga, kinikilig siya kapag sinasabing kamukha niya ang mga nabanggit na celebrity.

“Nakakatuwa po kasi dati, before pa ako maging Miss Universe Philippines, napapanood ko na sila sa TV, nakikita ko na talaga sila. And ngayon, sinasabi ng tao na may resemblance,” sey ni Rabiya sa panayam ng GMA.

“Actually, si Megan Young, siya po talaga ‘yung queen-spiration ko. Siya po talaga ‘yung ina-idolize ko sa lahat ng mga Miss Philippines natin. Kaya sobrang nakakatuwa po,” sabi ng beauty queen.

Nitong nagdaang Miyerkules, July 7, sinimulan na rin ni Rabiya ang kanyang career sa pagba-vlog. Aniya, gusto niyang gawing content sa susunod niyang mga video kung ano nga ba ang tunay na pinagdaraanan ng isang Miss Universe Philippines sa likod ng kamera.

* * *

Dalawa sa mga itinuturing na hottest Kapuso stars ang magpapainit sa inyong Sunday night sa pagsugod nila sa “The Boobay and Tekla Show”. 

Cosplayer, host, and actress Myrtle Sarrosa and one of GMA’s newest talents, Elle Villanueva get bold and brave as they answer the most provocative questions in “May Pa-PressCon” with Boobay and Tekla.

Game na game rin silang sasabak sa bagong segment ng “TBATS”, ang “Guilty or Not Guilty” kung saan sasagutin ng dalawa ang tungkol sa usaping love and (failed) relationships.

The sexy actresses will then showcase their talent in improvised comedy as they join our hosts and The Mema Squad in “Roleta ng Kadramahan.”

Sa pangunguna naman ng Mema Squad member na si Jennie Gabriel, magkakaalaman na kung sino talaga ang palaban sa kantahan sa umaatikabong “Birit Showdown.” 

Maglalaban-laban ang mga stand-up comedian na sina Ian Red, Pepita Curtis at Skelly.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Catch another fun and fresh episode of “The Boobay and Tekla Show” tonight na yan pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending