Cassy, JD nahuli sa akto sa set ng 'First Yaya'; pangarap ni Bea tinupad ni Jessica | Bandera

Cassy, JD nahuli sa akto sa set ng ‘First Yaya’; pangarap ni Bea tinupad ni Jessica

Ervin Santiago |July 04,2021
facebook
share this

Cassy, JD nahuli sa akto sa set ng ‘First Yaya’; pangarap ni Bea tinupad ni Jessica

Ervin Santiago - July 04, 2021 - 11:43 AM

NA-MISS ng Kapuso loveteam na sina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso ang isa’t isa kaya naman tuwang-tuwa ang dalawa nang muli silang magkita.

Halos isang buwang hindi nagkita nang personal ang dalawang Kapuso youngstars mula nang matapos ang huling cycle ng kanilang lock-in taping para sa primetime series na “First Yaya” na nagpaalam na nga sa ere last Friday.

At muli ngang nagkasama ang magka-loveteam na Cassy at Joaquin nang sabay silang mag-guest sa Kapuso weekly comedy show na “The Boobay and Tekla Show.”

“Actually, I just saw Cassy, nag-taping kami for guesting sa TBATS. Alam n’yo po miss na miss ko na talaga (si Cassy) pero after yesterday, solve na ako. Next time ulit,” pahayag ni Joaquin sa panayam ng GMA.

Sey naman ni Cassy nang magkita sila uli ni JD, “After seeing Joaquin again for one month, parang na-realize ko after I saw him yesterday, I miss him nga,” pag-amin ni Cassy.

Mas naging close pa ang dalawa nang gawin nila ang “First Yaya” at may mga chika pa nga na more than friends na ang status ng kanilang relasyon.

May balita pa nga na nahuli sa akto ang dalawa habang nagsasayaw sa set ng “First Yaya” at nang tanungin nga si JD about the video, wala na siyang nasabi kundi “Huli talaga, e.”

Para sa lahat ng fans nina JD at Cassy, abangan ang mga pasabog nilang rebelasyon sa “TBATS” kasama sina Boobay at Tekla, tonight pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.

* * *

Pormal na ngang ipinakilala ang award-winning actress na si Bea Alonzo bilang bagong Kapuso. Ngayong Linggo (July 4), ikukuwento ni Bea sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS) ang farm life niya sa Zambales ngayong pandemya at ang mga karanasang pinaghuhugutan niya sa pag-arte.

Ayon kay Bea, pangarap talaga niyang ma-interview siya ni Jessica noon pa, “Meron akong interview na mangyayari sa farm sa Zambales with Ms. Jessica Soho.

“Actually dream of mine din na ma-interview niya, and magko-collab din kami sa vlog so watch out for that,” sey ng bagong Kapuso star.

Natatawa pang chika ng dalaga, pati raw ang kapatid niya ay naghahanda na rin na makapagpa-picture kay Jessica dahil palagi raw itong nanonood ng “KMJS.”

Tampok din sa “KMJS” ang kuwento ng isang bata mula Misamis Occidental, na aksidenteng natusok ng kutsilyo sa noo. Paano nga ba ito nangyari?

Samantala, isang 83-anyos na lola mula Iloilo ang buwis-buhay pa ring umaakyat sa puno ng kawayan na kasing taas ng tatlong palapag, para lang sa hahabiin at ititinda niyang basket.

Pinagkakaguluhan naman ngayon sa Lanao del Sur ang isang bagong silang na sanggol na diumano kaya na raw umupong mag-isa at nakakapagsalita pa?!

Ang pagbababad sa drum na may pinakuluang mga dahon sa Camarines Sur, nakakagaling daw kahit pa ng malulubhang karamdaman? At poging Half-British, half Italian, inireklamo ng mga Pinay na nakilala niya sa online dating sites. Matapos daw kasi silang anakan, sunod silang iniwanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito at marami pang kuwento ang dapat abangan ngayong Linggo sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending