Bea kumpirmadong Kapuso na, pumirma na ng kontrata sa GMA 7 | Bandera

Bea kumpirmadong Kapuso na, pumirma na ng kontrata sa GMA 7

Ervin Santiago |July 01,2021
facebook
share this

Bea kumpirmadong Kapuso na, pumirma na ng kontrata sa GMA 7

Ervin Santiago - July 01, 2021 - 02:27 PM

CONFIRMED! Isang certified Kapuso na nga ang award-winning actress na si Bea Alonzo.

Pumirma na ng kontrata ang dating Kapamilya star sa GMA 7 ngayong araw, base na rin sa litratong naka-post sa social media accounts ng network.

Ginanap ang contract signing ceremony sa Edsa Shangri-La, Manila, sa Mandaluyong City kaninang tanghali, kasama ang TV and film executive na si Annette Gozon-Valdes.

Ayon sa panayam ng GMA sa dalaga pagkatapos niyang pumirma ng kontrata, excited at looking forward na siyang makatrabaho ang mga pambatong artista ng Kapuso network.

Nakatakda nang simulan ni Bea ang bonggang pelikula nila ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards under Viva Films, GMA Pictures and APT Entertainment.

Sila ang bibida sa Philippine adaptation ng Japanese TV drama na “Pure Soul” na ginawan din ng movie version sa South Korea titled “A Moment to Remember” na ipinapabas noong 2004.

Siguradong nakalinya na ang mga gagawing projects ni Bea sa GMA at kung sinu-sino ang mga unang Kapuso stars na makakatrabaho niya.

Nakagawa na maraming blockbuster movies in the past si Bea kung saan nakakuha rin siya ng mga acting awards, kabilang na riyan ang “One More Chance”, “The Mistress”, “A Second Chance” at iba pa.

Base sa mga nabasa naming comments mula sa netizens, may mga nangnenega sa pag-ober da bakod ni Bea pero mas marami pa rin ang natuwa at nag-congratulate sa kanya.

Ngayong 4 p.m. haharap si Bea sa ilang members ng entertainment media sa virtual presscon na inihanda ng GMA 7 management para sa pagpasok niya sa network.

Hintayin natin kung paano niya ipapaliwanag ang kanyang mga dahilan kung bakit finally ay nagdesisyon na siyang lumipat ng istasyon at iwan na ang ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending