Laman ng wallet ni Cassy ibinuking ni Carmina: Laging gulu-gulo, super dami ng coins! | Bandera

Laman ng wallet ni Cassy ibinuking ni Carmina: Laging gulu-gulo, super dami ng coins!

Ervin Santiago |May 19,2021
facebook
share this

Laman ng wallet ni Cassy ibinuking ni Carmina: Laging gulu-gulo, super dami ng coins!

Ervin Santiago - May 19, 2021 - 09:36 AM

IBINUKING ng Kapuso actress at TV host na si Carmina Villarroel ang ilang “sikreto” ng kanyang anak na si Cassy Legaspi kabilang na ang laman ng wallet nito.

Maraming magulang ang pumupuri kay Carmina bilang ideal mommy na nababalanse pa rin ang pag-aalaga sa kanyang pamilya kahit na patuloy pa ring nagtatrabaho.

Kaya naman bentang-benta sa mga netizens ang mga YouTube vlog ng aktres lalo na kapag ito’y tungkol sa pagiging working nanay at supportive wife.

Si Cassy ang nakasama ni Mina sa bagong video niya sa YouTube na may titulong “What’s In My Bag” kung saan inisa-isa nga ng mag-ina ang laman ng bag ng “First Yaya” actress.

Sa unang bahagi ng vlog, nabanggit ni Carmina na hindi alam ni Cassy na sa kanya ang ginagamit niyang Gucci bag.

Ang buong akala kasi ng dalaga ay hiniram lamang niya ang mamahaling bag sa kanyang mommy. Sey ni Carmina, “Ayaw niyang tanggapin but that’s hers.”

Nang mapunta ang usapan sa pag-aaring wallet ni Cassy, dito na ibinuking ni Carmina kung paano  inilalagay ng anak ang kanyang pera at card sa wallet.

“Kapag titingnan niyo po ‘yung wallet ni Cassy laging ano, laging gulo-gulo. Super dami ng coins,” chika ng misis ni Zoren Legaspi.

Nagpaliwanag naman si Cassy tungkol dito, aniya may sistema siyang sinusunod sa pag-organize ng kanyang wallet.

“Ako ‘yung mga P1000 (bill) ko pino-fold ko so isang set, 500 pino-fold ko, so on and so forth,” sabi ng kakambal ni Mavy Legaspi.

Hirit naman ni Carmina, kahit malaki na ang anak ay pinakikialaman pa rin niya ang mga gamit nito, “Minsan inaayos ko ‘yan na hindi niya alam, kinukuha ko ‘yung excess coins.”

Samantala, napagchikahan din ng mag-ina ang “alcohol habit” ni Cassy. Talagang kakambal na raw ng young actress ang alcohol para makasigurong hindi tatamaan ng COVID-19.

“Sobrang ugali niya talaga ‘yan. Kahit nasa bahay lang. kahit nasa kwarto niya. Which is good,” ani Mina.

Isa pang paraan na ginagawa nina  Carmina para hindi mahawa ng killer virus ay ang paglalagay ng pera sa isang plastic bag. Posible kasing nakapitan na rin ito ng virus na maaari nilang makuha anytime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Plastic na may barya. Ako po nagturo sa kaniya nito. Sabi ko just in case na let’s say may bibilhin siya tapos sinuklian siya, siyempre hindi pa siya naka-UV,” paliwanag pa ni Carmina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending