Korina may pa-tribute para sa ika-64 kaarawan ni Mar Bandera

Korina may pa-tribute para sa ika-64 kaarawan ni Mar

Reggee Bonoan |May 14,2021
share this

Korina may pa-tribute para sa ika-64 kaarawan ni Mar

Reggee Bonoan May 14,2021 - 03:59 PM

BINATI ng premyadong broadcast journalist na si Korina Sanchez ang asawang si dating Sen. Mar Roxas sa ika- 64 kaarawan nito kahapon, May 13.

Idinaan ng TV host sa Instagram ang kanyang birthday greeting na may kalakip pang throwback photo ni Sen. Mar habang kalong ang kambal nilang anak na sina Pepe at Pilar.

Ani Korina sa caption, “I’ve seen him excel in Congress, in the Senate, as Cabinet Secretary. I’ve heard his intellectual yet logical discourses, read his historic legislative dissertations.

“I’ve seen him work smartly with the wealthiest and tirelessly for the poorest.

“But it is when he is carrying these two little human beings, teaching them to speak, write, hold their spoon and fork, swim or ride a bike that I see with the most clarity — how his name will live on beyond his time of excellence on this planet.

“Happiest Birthday to the man who has yet made his best contribution to the world, the #TatayNiPepeEnPilar,” ang inilagay pang mensahe ng news anchor sa kanyang IG post.

* * *

Ang ating bansa pati na rin ang buong mundo ay dumadaan pa rin hanggang ngayon sa isang matinding pagsubok dahil sa COVID-19 pandemic.

Naapektuhan nito ang buhay ng mga tao pati na rin ang ekonomiya. Bumagsak ang stock market at turismo, maraming mga kumpanya ang nagsara, milyun-milyong Filipino ang nawalan ng trabaho at mga hindi natuloy na projects lalo na sa mundo ng showbiz.

Naging mahirap sa atin na itigil ang mga shows at events sa entertainment industry, mabuti na lamang at mayroong social media at napakalawak ng naaabot nito.

At dito nagsimula ang “The Bash with Jobert Sucaldito” (nag-start noong Sept. 30, 2020) kung saan sumabay ito sa online world upang magkita-kita, magsama-sama at marinig muli ang pinakabago at pinaka-juicy na balita sa loob at labas ng Philippine showbiz.

Mula sa pamagat mismo ng palabas, ang host nito ay si Jobert Sucaldito na isang showbiz news anchor at columnist kasama ang vlogger, social media influencer at Kumu artist na si Maine Nadaya.

Ang “The Bash with Jobert Sucaldito” ay isang oras na online showbiz magazine talkshow at ipinapalabas ito live sa Facebook at YouTube tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes simula 4 ng hapon.

Ang “The Bash” ay isa rin sa nanguna sa paggamit ng online platform na ito upang makapagdala sa inyo ng maiinit na balita hindi lamang sa mundo ng showbiz kundi pati na rin ang kasalukuyang kaganapan sa ating bansa.

Ilan sa mga naging maugong na isyung tinalakay ng show ay ang eksklusibong phone-patch interview kay Lindsay de Vera hinggil sa isyu na binuntis umano ito ni Dingdong Dantes na pinick-up rin ng iba pang mga showbiz online portals sa programa.

Gayundin, ang iba pang maiinit na isyu tungkol kina Ai Ai delas Alas, Aiko Melendez, Phoemela Baranda, Mocha Uson, Sean de Guzman, Mark Herras, Jeric Raval, Dingdong Avanzado at marami pang iba na naimbitahan na makapanayam sila sa programa. At may pa-bonus pang blind items na tiyak na magugustuhan ninyo.

Kaya, upang mauna sa pinakabagong chika-bash, ugaliing panoorin ang “The Bash” sa iba’t ibang social media platform.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending