ABS-CBN gagawan ng Pinoy version ang Doctor Foster; sina Juday at Piolo nga ba ang bibida? | Bandera

ABS-CBN gagawan ng Pinoy version ang Doctor Foster; sina Juday at Piolo nga ba ang bibida?

Ervin Santiago |April 14,2021
facebook
share this

ABS-CBN gagawan ng Pinoy version ang Doctor Foster; sina Juday at Piolo nga ba ang bibida?

Ervin Santiago - April 14, 2021 - 09:44 AM

MAGKAKAROON na rin ng Pinoy adaptation ang sikat na British drama series na “Doctor Foster” matapos makipagkasundo ng ABS-CBN Entertainment sa BBC Studios na gumawa ng local version para sa Pinoy viewers.

Una nang ipinalabas ng ABS-CBN ang South Korean adaptation nitong “The World Of The Married” (The World Of A Married Couple) sa Kapamilya Channel noong Hunyo, 2020 kasunod ng pagkilalang nakuha nito bilang highest-rating South Korean cable TV drama sa kasaysayan.

Ang Pinoy remake ng “Doctor Foster” ang una para sa isang scripted British series pagkatapos pumatok sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kakaibang kwento nito ng pagtataksil at paghihiganti.

Tampok sa serye ang kwento ng isang babaeng biniyayaan ng isang masaya at kumpletong pamilya, na dahan-dahang mawawasak sa oras na makutuban niyang nanloloko ang kanyang asawa hanggang sa makumpirma niya ito.

Ang Pilipinas ang ikaanim na bansang gagawa ng sarili nitong bersyon ng “Doctor Foster” pagkatapos ng South Korea, India (Out of Love), Russia (Tell Me the Truth), Turkey (Sadakatsiz), at France (Infidéle).

Ang original British series naman ay isinulat ni Mike Bartlett para sa BBC One sa produksyon ng Drama Republic.

Malapit nang ianunsyo ng ABS-CBN Entertainment ang local title ng “Doctor Foster,” pati na ang aktres na bibida at ang iba pang cast na magbibigay-buhay sa Pinoy remake nito.

May mga bali-balita na isa ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos sa mga pinagpipilian ng ABS-CBN para maging lead star ng serye na siyang gaganap bilang legal wife sa kuwento.

May mga nagsa-suggest naman na si Piolo Pascual daw ang bagay na gumanap na asawa ni Juday sa serye na siguradong ikatutuwa ng kanilang mga fans na matagal nang naghihintay sa reunion project ng dalawa.

Sa katunayan nga, may mga netizens na gumawa pa ng edited photo ng “The World Of A Married Couple” nina Juday at Piolo na pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng kanilang loyal supporters.

Ngunit may mga nagsasabi naman na nagdadalawang-isip pa raw si Juday na tanggapin ang proyekto sa ngayon dahil hindi pa siya ready sa lock-in taping.

Para naman sa role ng kabit, maugong ang chika na isa raw kina Janine Gutierrez at 4th EDDYS Best Actress Charlie Dizon ang napupusuan ng mga bossing ng Kapamilya network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, sinu-sino sa mga Kapamilya stars ang perfect na bumida sa Pinoy version ng “Doctor Foster” at “The World Of The Married”?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending