Ruru jackpot sa career at lovelife, puring-puri ni Rhea Tan: Napakasarap niyang katrabaho! Bandera

Ruru jackpot sa career at lovelife, puring-puri ni Rhea Tan: Napakasarap niyang katrabaho!

Ervin Santiago |April 07,2021
share this

Ruru jackpot sa career at lovelife, puring-puri ni Rhea Tan: Napakasarap niyang katrabaho!

Ervin Santiago | April 07,2021 - 05:46 PM

KUNG may isang celebrity ngayon na nadagdag sa listahan ng mga “swerte na sa lovelife at jackpot pa sa career,” yan ay walang iba kundi ang Kapuso matinee idol na si Ruru Madrid.

Wala man direktang pag-amin sa harap ng publiko, kitang-kita naman na super happy ngayon ang binata sa kung anuman ang relasyon nila ng Kapuso actress na si Bianca Umali.

Ayon sa Kapuso actor, okay na okay ang lagay ng puso niya ngayon pero aniya hangga’t maaari ay nais nila ni Bianca na gawin munang pribado ang kung anumang meron sila ngayon.

“I can say na I am very happy right now. And so far, okay naman. I can say na we’re doing well.

“We’re supporting each other sa mga projects namin parehas and we’re happy,” pahayag pa ng binata.

At bukod nga sa makulay niyang buhay-pag-ibig sunud-sunod din ang blessings na dumarating kay Ruru sa kabila ng pandemya. Hindi talaga siya nawawalan ng projects sa GMA simula nang pumasok ang 2021.

Halos isang dekada na si Ruru sa industriya at nagbida na rin sa ilang  top-rating series ng GMA-7, ang  pinakahuli nga ay ang “The Gift” kung saan ginampanan niya ang papel ni Eloy.

Katatapos lang ng episode nila ni Shaira Diaz sa season 2 ng “I Can See You” at malapit na ring ipalabas ang bago niyang primetime series na “Lolong” na isang action-fantasy at itinuturing na pinakamalaking proyekto ng Kapuso network this year.

Sa Lolong, makakasama uli ng binata sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. At siyempre, regular din siyang napapanood sa “All Out Sunday” (AOS).

Isa pang malaking blessing na dumating kay Ruru ay ang pag-welcome sa kanya ng Beautéderm Corporation ngayong summer season bilang isang sizzling hot new addition sa pabolosang roster ng mga A-list celebrity brand ambassador nito.

“Very welcome addition si Ruru sa Beautéderm family,” sabi ng President at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan.

“Isa si Ruru sa mga primiere leading man ng GMA 7 at isa siyang extremely gifted actor. Very strong at potent din ng kanyang online reach na perfect para sa family natin.

“Nakakamangha ang kanyang professionalism and kindness. At napakasarap niyang katrabaho. Surely, this is the start of a wonderful partnership,” sabi pa ni Ms. Rhea.

“Isang privilege at malaking honor na maging bahagi ng Beautéderm family. Grateful ako kay Ms. Rei Tan sa kanyang pagtitiwala sa akin n amaging brand ambassador at di na ako makapaghintay sa mga exciting na projects na gagawin naming,” pahayag ng binata.

Ang mga personal na paboritong Beautéderm products ni Ruru ay ang grooming essentials ng Spruce & Dash collection ng brand.

“Perfect talaga sa aking very active lifestyle. Lagi akong on-the-go at lagi akong busy sa trabaho so I have to make sure that I look and feel my best every time I face other people,” pahayag pa ng binata.

Tunay nga na ang the partnership sa pagitan ng Beautéderm at ni Ruru ay ang perfect combination ngayong summer at kahit na anong season – pareho silang fresh, hot, at utterly delightful.

Para sa updates about Ruru Madrid sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, Facebook at YouTube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending