Ano ang napansin ni Aicelle Santos sa unang pag-iyak ni Baby Zandrine?
NAG-SHARE ng ilang mommy tips ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos sa mga first time nanay na katulad niya.
Napakaraming masasayang kuwento ni Aicelle tungkol sa panganay nila ni Mark Zambrano na si Baby Zandrine na ngayon pa lang ay nakikitaan na niya ng talent sa pagkanta.
Being a first-time mom, sinabi ni Aicelle na marami-rami na rin siyang natututunan sa pag-aalaga ng sanggol at naniniwala siya na isang learning process ang pagiging ina.
Pero isa lang ang talagang napatunayan ng Kapuso star, napakasarap daw pala talagang maging nanay. Kahit maraming challenges, enjoy na enjoy pa rin sila ng kanyang asawa na alagaan si Baby Zandrine.
“Si Zandrine napakasarap alagaan. Napakabungisngis na bata. At two months old nangungusap na siya. She’s a very good listener,” simulang kuwento ni Aicelle nang mag-guest siya sa isang episode ng “Sarap Di Ba?”
Kakaibang kaligayahan daw ang hatid ng kanyang anak sa kanilang pamilya, “She has dimples, really cute. Kaya kaming mag-asawa walang sawang nagpi-pictorial sa kaniya kahit tulog siya. She’s just a joy giver sa aming buong pamilya.”
Sey pa ng singer at theater actress, may mga napansin daw siya agad na mga paandar ni Baby Zandrine nang ipanganak niya ito last December.
“Na-CS (Caesarean section) ako noon. Habang nakahiga ako noong lumabas na siya, narinig ko kaagad ‘yung iyak niya.
“I noticed na pagkaiyak niya, malakas na mababa. Natawa ako, in my head sabi ko ‘yung anak ko parang alto. Parang singer din siya ganyan,” natatawa pang pagbabahagi ng happy nanay.
Patuloy pa niyang chika, “Noong itinabi na siya sa akin, siyempre tiningnan ko kung kumpleto ‘yung mga daliri niya ganiyan.
“Sabi ko, salamat Panginoon kasi normal si baby. Hindi nagkaproblema sa pagpapaanak sa kaniya. It was just a very very happy moment,” aniya pa.
May ilang paalala rin siyang ibinahagi sa mga tulad niyang first time mommies, “Enjoy the moment kasi napakabilis ng panahon. Bihira lang silang baby na puwede mong amoy amoyin, na dependent lang sila sa inyo.”
“Kasi kapag lumaki na ‘yan, hindi na magpapa-kiss ‘yan. Sarap kasi ng feeling na naalagaan mo sila and with breastfeeding you get to satisfy them and to hug them and to kiss them every day, every single second of the day. Enjoy the moment,” dugtong pa ng isa sa mga judge ng “Centerstage”.
Dagdag pa niyang payo, “Learn from your baby. I’m sure maraming advice from different moms and even your parents. Of course, you listen to your pediatrician. But learn from your baby kasi iba-iba naman ‘yung babies, ‘di ba?
“Aralin ninyo ‘yung mga cues niya when she wants to feed and when she just wants to talk to you, ‘di ba?” chika pa ni Aicelle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.