'Ang Probinsyano' ni Coco tatapusin na after 5 years, hanggang April na lang? | Bandera

‘Ang Probinsyano’ ni Coco tatapusin na after 5 years, hanggang April na lang?

Alex Brosas |March 03,2021
facebook
share this

‘Ang Probinsyano’ ni Coco tatapusin na after 5 years, hanggang April na lang?

Alex Brosas - March 03, 2021 - 06:04 PM

MAGWAWAKAS na finally ang “FPJ’s Ang Probinsiyano” ni Coco Martin.

Ito ang nakarating sa aming chika. Hanggang next month na lang daw ito sa ere.

Ang show na iyon ni Coco Martin ang pinakamatagal na umereng action teleserye. Lahat ng nakatapat nito sa GMA-7 ay nagsara, walang umubrang soap opera laban dito.

Walang sinabi sa amin na dahilan kung bakit hindi na pahahabain pa ang FPJ’s Ang Probinsiyano.

Basta, ang chika sa amin, hanggang next month na lang ang airing nito.  Alam na rin daw ng cast members ang pagsasara nito. Naabisuhan na yata sila about this.

More than five years din ang itinagal ng FPJ’s Ang Probinsiyano sa ere.  It is the most successful show of recent years.

At talagang star-studded ang cast ng show, puro de-kalibre like Susan Roces,  Eddie Garcia, Rowell Santiago, Yassi Pressman, Edu Manzano, Maja Salvador, Agot Isidro, Tirso Cruz III, Bela Padilla, Arjo Atayde, Albert Martinez, Jhong Hilario, Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, JC Santos, Jolo Revilla, Ara Mina,  Bobby Andrews, Ryza Cenon, Dawn Zulueta, Alice Dixson, Lito Lapid, Jaime Fabregas, Mark Lapid, Michael de Mesa, Lorna Tolentino and Richard Gutierrez.

Kasama rin sa karagdagan sa cast  sina  Jane de Leon, Vance Larena, Geoff Eigenmann, Bubbles Paraiso, Franco Daza, Drey Brown, Zeppi Borromeo and  Jamina Cruz.

* * *

Bilib na bilib si Lolit Solis sa bagong couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Sa kanyang Instagram ay puring-puri niya ang bagong magdyowa.

“Galing galing naman ng nangyari kay Derek Ramsay at Ellen Adarna. Imagine mo, para nga naman pinagtagpo talaga sila ng kapalaran ng pareho silang walang ka relasyon at swak agad sila. Intense ang kanilang affair na para bang hot na hot sila at talagang heto, ready agad sa commitment at responsibility, walang takot sa pagpasok sa bagong path ng buhay na tatahakin nila.

“Sana nga maging maligaya silang dalawa. Sana hindi masayang itong chance for happiness nila, ito na sana ang end of the road sa paghahanap nila ng partner. Ang ganda ng partnership nila, ganda nilang tignan together. At iyon happiness they feel , sana pang matagalan.

“Both seems to be good people seeking for love, deserving sila na matagpuan ito and keep it forever, dahil napagdaanan na nila ang rocky roads to happiness, mas precious ngayon ang mga moments para sa kanila.

“I will love seeing them build a family together, at makita na nagtagumpay sila against all odds in life. To Derek Ramsay and Ellen Adarna, enjoy your precious moments, stay together happily ever after. Your happiness is your choice, make it work. Congrats.”

‘Yan ang mahabang aria ni Aling Lolit.

Sa comment section, bash naman ang inabot ng bagong couple.

“Papansin couple… tatanda na para mag pa cute sa socmed, mga gutom sa validation.”

“Naku! Sana naman Manay, ..sandamak mak na bibingka na ang natitikman ni Derek , at sangkaterbang saging na din ang kinain ni Ellen, sana naman magustuhan na nila ang lasa ng isa’t isa!!”

“Sabi ni Derek si Ellen na ang she is the one. Pang ilan na ba ito she is the one. Huwag na lng sana mg salita ng tapos kasi hindi nila alm ang bukas. Iyon iba relationship ni Derek umabot ng six yrs pero wala rin nangyari. Sana tahimik na lng muna.”

“This is the most IRRELEVANT issue I have read…mas madami pang disenteng artista na dapat pag usapan kesa sa dalawang ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yan ang comment ng netizens sa post ni Aling Lolit.  Aray ko!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending