Rakistang araw-araw na sabog, binanatan ang isang radio station

Rakistang araw-araw na sabog, binanatan ang isang radio station

Den Macaranas |February 05,2021
share this

Rakistang araw-araw na sabog, binanatan ang isang radio station

Den Macaranas | February 05,2021 - 01:39 PM

Matindi na raw talaga ang tama sa utak ng isang kilalang “rakista” at kahit mga kaanak nito ay hindi na siya makausap ng matino.

Sinabi ng aking cricket na halos araw-araw daw ay sabog ang droga ang bida sa ating kwento ngayong araw.

Mas lalo pang dumagdag sa problema ng rock performer na ito ang kawalan ng regular na kita.

Kung anu-anong raket daw ang kanyang pinasok pero dahil lagi siyang tulala sa paggamit ng droga ay iniiwan siyang madalas ng kanyang mga ka-transaksyon.

Pinakahuli niyang binanatan sa kanyang social media posts ang isang radio station.

Patok daw kasi sa online ang kanyang performance pero kahit singkong-duling ay hindi siya inambunan ng nasabing himpilan ng radyo.

Pero meron naman palang pampalubag-loob para sa naturang rakista.

Isang award ang ibinigay sa kanya dahil mataas daw ang “views”sa YouTube ng kanyang performance na in-upload naman ng nasabing radio station.

Pero para kay rakista, walang kwenta ang award dahil mas kailangan niya ng pera.

Ang kilalang rakista na ayon sa aking cricket ay madalas mataas ang tama ay si Mr. D….as in Dugyot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending