Dingdong ipinagtanggol ng fans sa buntisan issue: Wag kayong magpaloko | Bandera

Dingdong ipinagtanggol ng fans sa buntisan issue: Wag kayong magpaloko

Ervin Santiago |January 24,2021
facebook
share this

Dingdong ipinagtanggol ng fans sa buntisan issue: Wag kayong magpaloko

Ervin Santiago - January 24, 2021 - 11:36 AM

NAGING isa sa top trending topic sa Twitter ang pangalan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes dahil sa isang kontrobersyal na blind item.

Ito rin ang blind item na ikinonek ng ilang netizens kina Robin Padilla at Mocha Uson.

Nagdenay na si Mariel Rodriguez na nabuntis umano ng kanyang asawa si Mocha at nanawagan sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news tungkol sa dalawa na pareho ngang loyalista ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinanggi rin ni Mocha na nabuntis siya ni Binoe sa pamamagitan ng isang workout video kung saan ibinandera niya ang kanyang flay na flat na tiyan.

Kasunod nga nito ay ang pagkalat ng chika na si Dingdong daw ang tinutukoy sa blind item kung saan binanggit nga na isang controversial actress ang nabuntis ng isang sikat na aktor na may asawa’t anak na.

Dahil dito, kanya-kanyang pagtatanggol ang mga supporters ni Dingdong para pabulaanan ang tsismis. May isang fans club ang aktor na nagsabing posibleng galing daw ang fake news sa mga tagasuporta ni Mocha.

“Thank you to all people who still believe in Dingdong and Marian. The best kayo!

Sorry if I made a mess in some parts, I was carried by my emotions. But there is one thing for sure, the issue about Dong is not true.

“The rumor began with PEP. They made it clear that it’s not Dingdong. But this Andrew Olivar, a friend of M (Mocha), is producing fake details to contaminate the blind item, & these DDS b/vloggers got a chance to strike Dong inaccurately.

“People on Twitter are bright enough, think better,” ayon sa Twitter account ng isang fans club ni Dingdong.

“A friend of M, MOCHA, who is allegedly in a blind item (w/ Robin). Now u know how they manipulated Dingdong on the issues, to divert the attention. Nagpapaloko naman kayo.

“That Lindsay is a co-actor of him in Alyas Robin Hood, which aired in 2017. Y’all just want drama,” ang naka-post pang mensahe sa nasabing Twitter account.

Sabi pa ng fans club ng Kapuso actor, deleted na raw ang post ng nagngangalang Andrew Olivar na pinaniniwalaang malapit kay Mocha. Anila, huwag daw magpapaloko sa mga ganitong klase ng tsismis.

“Hello, what I meant is the clues are not for Dingdong. Our attention just diverts to him because a ‘not so influential’ person posted fake news about him,” tweet pa ng fans club ni Dingdong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang pahayag ang mister ni Marian Rivera tungkol sa isyung ito. Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon dito ni Dingdong pati na rin sa paliwanag ni Andrew Olivar at ni Mocha na binabanggit ng mga netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending