Julia bukelya sa pagsilip sa fan account nina Bea at Dominic: Fishing...huli pero 'di kulong | Bandera

Julia bukelya sa pagsilip sa fan account nina Bea at Dominic: Fishing…huli pero ‘di kulong

Reggee Bonoan |January 21,2021
facebook
share this

Julia bukelya sa pagsilip sa fan account nina Bea at Dominic: Fishing…huli pero ‘di kulong

Reggee Bonoan - January 21, 2021 - 04:27 PM

BUKELYA ang young actress na si Julia Barretto na “fishing” siya sa fan account nina Bea Alonzo at Dominic Roque na “beadom_shippers.”

Nali-link ngayon sina Bea at Dominic at marami ang naniniwala na baka sila na nga at itinatago lang sa publiko ang real score sa kanilang relasyon.

Nakita kasi ng supporters nina Bea at Dom na tsinek ni Julia ang IG account ng beadom_shippers na may blue-check, ibig sabihin legit ito dahil verified nga ang account.

At hindi ito puwedeng itanggi ng dalaga dahil ang profile picture niya sa Instagram ang lumitaw.

Kanya-kanyang komento ang netizens sa kuwentong ito. May nagsabing, “Fishing si ateng, huli pero hindi kulong, baka na-hack at ang nakakalokang This Girl is so Pathetic, Next.”

Hirit naman isang IG user, “Checking lang kung out na ‘yung dalawa para maka-out na din sila, she likes to be talked about, Always full of herself and seeking attention, It’s stalking but then, so what?”

May nagtanggol naman kay Julia na nagsabing, “Dami namang gumagawa noon, Ako nga tsini-check ko rin ang ex ko at ex ng bf ko.”

Anyway, marami ang naniniwala na talagang may ugnayan na sina Julia at Gerald Anderson (ex ni Bea) dahil laging natataon na kapag may post silang solo sa kanilang mga larawan sa social media ay marami ang nakakapansin na nasa iisan lugar lang sila.

Komento nga ng ilang netizens, kahit hindi na umamin ang dalawa ay obvious na obvious na sila ang magkasama base na rin sa mga ipinopost nila sa social media.

Kaya iisa ang tanong ng madlang pipol, kailan daw ba aamin sina Gerald at Julia?

May nagsabi ring huwag na nilang intindihin ang magiging reaksyon ni Bea at ng ibang tao dahil masaya na rin ang aktres sa buhay niya ngayon at mukhang wala na rin siyang paki sa ex-boyfriend niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending