PAL naglabas ng abiso sa mga pasaherong galing sa mga bansang sakop ng travel ban | Bandera

PAL naglabas ng abiso sa mga pasaherong galing sa mga bansang sakop ng travel ban

Dona Dominguez-Cargullo - December 30, 2020 - 03:56 PM

Hindi na tatanggap ng dayuhang pasahero ang Philippine Airlines mula sa mga bansang sakop ng ipinatutupad na travel ban ng Pilipinas bunsod ng bagong variant ng Covid-19.

Sa inilabas na abiso ng PAL, nakasaad na tanging mga Filipino lamang, kanilang asawa at anak ang papayagang sa kanilang mga flight galing sa mga bansang sakop ng ban.

Epektibo ito ngayong araw, Disyembre 30, hanggang Enero 15, 2021.

Sakop ng travel ban ang mga bansang Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, the Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain at United Kingdom.

Ang mga Filipino citizens, kanilang asawa at anak na galing sa nasabing mga bansa ay papayagan pa ding bumiyahe pauwi ng Pilipinas pero sasailalim sila sa 14-day quarantine.

Samantala, inanunsyo din ng PAL na kanselado na ang kanilang mga biyahe patungong Jakarta mula Enero 1 hanggang 14, 2021.

Kasunod ito ng utos ng Indonesian government na pagsasara sa kanilang borders.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending