Xander Ford arestado sa kasong pananakit sa ex-girlfriend: Sana mapatawad mo 'ko... | Bandera

Xander Ford arestado sa kasong pananakit sa ex-girlfriend: Sana mapatawad mo ‘ko…

Ervin Santiago - December 23, 2020 - 09:05 AM

HIMAS-REHAS ngayon ang social media personality na si Xander Ford matapos arestuhin dahil sa ginawang pananakit sa kanyang ex-girlfriend.

Hinuli si Xander (Marlou Arizala sa tunay na buhay) ng mga pulis sa isang restaurant sa Pasay City sa bisa ng warrant of arrest mula sa Manila Regional Trial Court Branch 38.

Ito ay dahil sa kasong RA 9262 o Violence Against Women and their Children na isinampa ng dati niyang kasintahan, base na rin sa pahayag ng commander ng Moriones Police na si Lt. Col. Magno Gallora, Jr..

Sa Facebook live naman ng kanyang talent management na Star Image Artist Management kagabi, ipinakita ang kalagayan ng internet sensation habang nakakulong sa isang presinto sa Tondo, Maynila.

Dito, itinanggi ni Xander ang mga akusasyon sa kanya ngunit nag-sorry din siya sa kanyang ex-girlfriend kasabay ng pakiusap na sana’y ayusin at pag-usapan na lang nila ang kaso.

Ayon naman sa Star Image general manager na si David Cabawatan, tutulungan nila si Xander sa kaso nito pero hinding-hindi nila ito kukunsintihin kung totoong nakagawa ng kasalanan.

Ayon kay Cabawatan, may indefinite suspension pa rin silang parusa sa kanilang talent kaya hindi muna ito makakatanggap ng anumang proyekto habang patuloy na dinidinig ang kaso.

Ngayong araw planong magpiyansa ang kampo ni Xander ng P18,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Samantala, ipinagdiinan din ng manager ni Xander na hindi isang gimik ang ginawang pag-aresto kay Xander at nakiusap din sa publiko na huwag munang husgahan ang kanilang alaga hangga’t hindi pa tapos ang kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending