Kylie Versoza sa mga epal: Ano bang pakialam n’yo? So what? | Bandera

Kylie Versoza sa mga epal: Ano bang pakialam n’yo? So what?

Reggee Bonoan - October 21, 2020 - 12:49 PM

SA edad na 28 ni Kylie Versoza at 33 naman si Jake Cuenca ay maiintindihan na ng lahat kung magkasama na sila sa iisang bubong.

Para sa mga kaibigan at kakilala ng dalawa, walang masama kung magka-live in na sila dahil halos isang taon na naman silang magkarelasyon.

Kaya naman nakapagtataka kung bakit nabanggit ng 2016 Miss International na naiinis siya sa mga hindi makaintindi at nakikialam sa kanila. Para kasing wala namang nakikialam at sa katunayan ay boto ang lahat sa kanila ni Jake.

Sa nakaraang zoom conference ng “Ghost Adventure” kung saan isa si Kylie sa cast ay natanong siya tungkol sa mga taong hindi siya maintindihan.

“Naiinis kasi ako do’n parang ano bang pakialam n’yo, di ba? Para sa akin pakialam n’yo ba? Ganu’n ako mag-isip, eh, so what?” say ng dalaga.

Dagdag pa niya, “I think, I’ve been independent since college pa ako and I think Jake and I are at the right age and both of us have work very hard to get what we are today.

“So, I think, I guess sana ma-respect ng tao our decisions kasi, we are two very independent people who just trying to be the best version of ourselves, we’re not trying to hurt anyone, we’re just have fun with our lives.

“And I think, hindi na kami teenybopper, hindi na kami younger 20’s. I hope people respect our decisions with whatever decisions we have with our lives kasi we’re already off age,” dagdag niya.

Base rin sa mga post nila ni Jake sa kani-kanilang social media account ay magkasama sila noong lockdown hanggang sa na-extend ito dahil nag-MECQ uli ang Metro Manila kaya tinanong namin kung ilang months silang nagsama.

“Grabe ang mga tanong! Yes, for a period, we decided to stay together,” sagot sa amin.

May mga nadiskubre ba siyang ugali pa ni Jake sa ilang buwan nilang pagsasama? “Magaling siyang mag-alaga ng aso, kasi may aso kami together, one bulldog.

“Grabe naman kayo! Feeling ko mako-quote n’yo na naman ako, joke! Feeling ko 2 to 3 months kasi quarantine ‘yun, eh, MECQ tapos nalaman naming nag-extend pa ‘yung quarantine,” pagtatapat ng dalaga.

At dahil GCQ na ang Metro Manila ay bumalik na si Kylie sa kanyang unit, “Magkalapit lang din ng building,” saad nito.

At dahil nahihirapang sumagot si Kylie sa mga tanong ay panay ang singit ni Benjie Paras na dahil daw kay Empoy Marquez kaya nangangapa ng sagot ang dalaga dahil nako-conscious.

Nagbiro pa ito na dahil din kay Empoy kaya dumalaw si Jake sa shooting nila ng Ghost Adventure na si Benjie mismo ang nag-conceptualize at si GB Sampedro naman ang direktor.

Nabanggit din ng dalaga na sa new normal taping ngayon ay gusto niya ang 12-14 hours work dahil less pagod sa mga artista.

“Para sa akin mas madali ‘yung new normal na shoot dahil usually kasi di ba ‘yung mga location namin 1 to 2 hours away so magigising kami mga 3 o 4 a.m. para makapunta sa set ng 2 hours o 1 hour, so ‘yung biyahe nakakapagod.

“So dito kapag lock in, 12 to 14 hours lang kasi so mas madali para sa artista hindi mo rin nabibitawan ‘yung character mo, especially kung mabigat tapos magigising ka na lang sa set aayusan na kayo, wala nang travel time kasi nakakapagod talaga ‘yung travel time for me.

“Kaya mas madali sa akin, mas gusto ko nga ‘yung lock in na taping at nakakasama ko rin ‘yung cast members so, mas masaya para sa akin,” paliwanag ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Ghost Adventure” simula sa Okt. 31 sa TV5 handog ng Viva TV, Cignal at Sari-Sari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending