Paolo may tips kontra-toxic sa socmed; 'I Can See You: The Promise' pasabog ang mga twist | Bandera

Paolo may tips kontra-toxic sa socmed; ‘I Can See You: The Promise’ pasabog ang mga twist

Ervin Santiago - October 05, 2020 - 01:19 PM

SERYOSONG Paolo Contis ang napanood namin sa kanyang 8-minute YouTube video na pinamagatang “Ang Pangarap Kong Soc. App.: A Social Media Toxicity Assessment Discourse.”

Espesyal kay Paolo ang online documentary na ito dahil isa rin itong personal advocacy para sa kanya.

Ipinapaalala niya rito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa social media.

“May mga bagay na hindi mo kailangang sabihin or kung sabihin mo, dapat maayos kung gusto mong makuha ng tao,” paliwanag niya.

Aniya, magiging toxic lang ang social media kung inaabuso na ito at nakakapanakit na ng kapwa ang isang netizen.

Samantala, mapapanood na si Paolo ngayong gabi sa second installment ng Kapuso drama anthology na “I Can See You: The Promise”. after ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.

Sa one-week miniseries na ito, gaganap si Paolo bilang Frank, na nawalan na nang gana sa buhay matapos mamatay ang asawang si Clarisse na gagampanan ni Yasmien Kurdi.

Nang bisitahin siya ng pinsang si Jude (Benjamin Alves) kasama ang girlfriend nitong si Ivy (Andrea Torres), sasanib ang kaluluwa ni Clarisse kay Andrea para muling iparamdam sa asawa ang kanyang pagmamahal.

Ayon sa cast, hinding-hindi nila malilimutan ang naging experience nila sa taping ng “The Promise.”

Ayon kay Yasmien, “First time kong gumawa ng miniseries. Ang maganda sa istoryang ito, ang dami niyang twist. Yung isang buong story ng teleserye, nilagay nila sa isang linggo lang.”

Sabi naman ni Andrea, kahit na may banta pa rin ng COVID-19, talagang tinanggap niya ang proyektong ito dahil sobrang ganda ng istorya.

Manghihinayang daw siya nang bonggang-bongga kapag tinanggihan niya ito.

Pinuri naman ni Paolo ang kanyang co-stars at ang direktor nilang si Zig Dulay dahil sa kabila ng napakahigpit na health protocols, naging matagumpay ang kanilang taping.

“(Direk Zig) was a very good leader. During the script readings, pagdating ko du’n wala na akong kailangang gawin. Nahimay na namin lahat yung kwento. Ang laki-laking bagay nu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sobrang refreshing siya sa craft namin na dumating kami sa set na hindi na namin kailangang hawakan yung script at nire-review na lang namin yung lines namin. Pag sinabing ito na yung eksena alam na namin kung nasan kami,” paliwanag ni Paolo.

Magsisimula na tonight ang “I Can See You: The Promise” after ng “Encantadia” sa GMA Telebabad kapalit ng “Love On The Balcony” nina Alden Richards at Jasmine Curtis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending