Para kay Alden, hindi pera-pera ang laban sa buhay; Rocco napaiyak sa sorpresa ng GF | Bandera

Para kay Alden, hindi pera-pera ang laban sa buhay; Rocco napaiyak sa sorpresa ng GF

Ervin Santiago - September 24, 2020 - 09:19 AM

TULAD ng ibang celebrities at business owners, matindi rin ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Kaya naman talagang nakaka-relate  siya sa kanyang bagong project with GMA Public Affairs, ang “Lockdown: Food Diaries.”

Isang documentary special ang “Lockdown: Food Diaries” na mapapanood ngayong Linggo (Sept. 27), 3:45 p.m. sa GMA. Tampok dito ang epekto ng pandemic sa food sector.

Sa nasabing dokyu, susubukan ni Alden ang mga pagkaing pumatok sa gitna ng ipinatutupad na community quarantine.

Pero bukod dito, ipakikita rin niya ang pagiging maabilidad ng Pinoy upang kumita sa gitna ng pandemya.

“Saludo po kami sa inyo at binibigyan ninyo kami ng inspirasyon na ‘wag sumuko sa laban ng buhay ngayon,” ani Alden.

Ibabahagi rin ng Kapuso Drama Prince kung paano niya hinarap ang pandemic bilang isang business owner.

“Nagkaroon lang ng certain adjustments and scheduling,” say niya. “Kasi para sa amin po, mas importante ‘yung tao, ‘yung staff more than the income na nage-generate ng mga restaurants namin.

“Kasi hindi naman po kami kikita kung hindi din dahil sa mga taong nagtatrabaho at naghihirap every day,” pahayag ng binata.

* * *

Hindi napigilan ni Kapuso actor Rocco Nacino na maging emosyonal sa inihandang sorpresa ng girlfriend na si Melissa Gohing para sa kanilang 3rd anniversary.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng “Descendants of the Sun” actor ang 2-minute video na ginawa ng nobya kung saan mapapanood ang kanilang memorable trips at adventures.

Caption niya sa video, “Happy 3rd Mi amor! Last week was a stressful week but Sept. 18 was definitely the highlight of this year for me.

“A beautiful surprise from my love @gohingmelissa on our 3rd Anniversary! Grabe ka dito love, thank you for always being the best at what you do, and what you do for me. I love you, Happy 3rd Anniversary to us Mi Amor.”

Sa huling bahagi ng video ay mapapanood si Rocco na umiyak sa sweet surprise ni Melissa.

Samantala, inaabangan na ngayon ng fans ang nalalapit na pagpapalabas ng fresh episodes ng “Descendants of the Sun” sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending