Batang umorder ng pagkain online viral na; magulang na-shock | Bandera

Batang umorder ng pagkain online viral na; magulang na-shock

Ervin Santiago - September 07, 2020 - 11:46 AM

 

 

VIRAL na ngayon ang batang umorder ng pagkain online na talaga namang ikina-shock ng kanyang mga magulang.

Sikat na sikat na sa social media ang 5 years old na si Gab-Gab na taga-General Santos City matapos i-post ng ama niyang si Angelito Respecia sa Facebook ang nakaaaliw na pangyayari.

Makikita sa kanyang FB post ang litrato ng bata at ang mga nakabalot pang pagkain na kanyang inorder sa pamamagitan ng cellphone gamit ang isang delivery app.

Ang caption na inilagay dito ng tatay ni Gab-Gab ay, “When he borrowed your phone and suddenly food panda came knocking at your door.”

Kuwento ni Angelito sa panayam ng GMA, hiniram daw ng kanilang anak ang isa nilang cellphone habang abala sila sa mga gawaing bahay ng asawang si Michelle.

Wala raw silang kamalay-malay na nag-order na pala si Gab-Gab online ng pagkain. Nagulat na lamang sila nang kumatok na sa bahay nila ang delivery rider dala ang mga inorder ng bagets.

Makikita sa resibo, na ipinost din ni Angelito sa FB ang listahan ng mga inorder ni Gab-Gab na umabot sa halagang P1,147.90.

Kabilang sa mga inorder ng bata ang dalawang buko juice, tatlong teriyaki chicken, dalawang bihon guisado, walong sweet and spicy chicken at isang cappuccino shake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa magulang ni Gab-Gab marahil daw ay ginaya lang sila ng bata dahil nakikita nito kung paano sila umoorder online gamit ang cellphone at ang delivery app na naka-save rito.

At dahil sa nangyari, nagdesisyon ang parents ng bagets na mag-uninstall na ng mga food delivery apps sa kanilang cellphone.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending