Babala ni Joey sa mga peke: Ginagamit ako, tigilan n’yo ko!
BINIGYAN ng warning ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon ang publiko na mag-ingat sa mga poser niya sa social media.
Napag-alaman ng Eat Bulaga host may mga kumakalat na fake accounts gamit ang kanyang pangalan at profile photo.
Ayon kay Joey, wala siyang Facebook page, Twitter at Instagram lang ang meron siya at parehong verified ang accounts na ito na may handle name na @angpoetnyo.
May 1.4 million followers na siya sa Instagram at 2.5 million followers naman sa Twitter.
Narito ang babala ni Joey ni sa lahat ng Dabarkads, “WARNING: MAY KUMAKALAT SA ILANG PAGES AT FORMAT (hindi dito) TUNGKOL SA AKIN. GINAMIT AKO in other words.
“ITO LANG PO ANG TANGING LUGAR KO at sa Twitter. WALA NA. Tigilan nyo ko!”
Aniya pa sa isang post, “WARNING: WALA AKONG FAKEBO este, Facebook! NO FB, only EB.
“Yung mga nagpapakalat ng FAKE ay Rated PG—Pekeng Gamitero, Paid Germs, Pos-ka sa Gimik, bahala na kayong maglagay ng sarili nyong meaning! Stay fake este, safe!” paalala pa ng TV host.
Marami namang followers si Joey ang nagsabi na mukhang mahihirapan ang mga poser ng komedyante na gayahin ang style ni Joey sa pagpo-post sa socmed.
Comment ng ilang netizens, alam nilang fake ang FB account ng Kapuso comedian dahil wala itong tatak ng mga natatanging hugot ng Master Henyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.