Lea Salonga sa poser accounts: ‘If claiming to be me, report them!’
MAY paalala ang broadway star na si Lea Salonga sa madlang pipol kaugnay sa kanyang social media account.
Mukhang nagkalat nanaman kasi ang mga peke at poser accounts na nagkukunwaring si Lea, kaya nagbabala na ang sikat na theater actress upang maging aware ang kanyang supporters at fans.
“Just a friendly reminder that I have only one account here on Instagram, and it’s verified,” sey niya sa ibinanderang Instagram Story recently.
Ang panawagan niya pa, “If you see anyone claiming to be me, report them.”
Karamihan daw sa mga pekeng accounts ay mali-mali ang mga spelling at grammar.
Wika niya sa post, “The spelling and/or grammar will be the deadest of the dead giveaways. Thank you!”
Baka Bet Mo: Lea Salonga ipinagdiinan ang kahalagahan ng ‘boundaries’: We’re human beings
Hindi ito ang unang beses na nabiktima na ng sindikato sa social media si Lea.
Kung matatandaan noong 2019, nagbigay rin ng “warning” ang award-winning singer-actress sa kanyang mga pamilya, kaibigan at followers na huwag maniniwala sa fake na Lea Salonga na umano’y nagso-solicit ng pera at kung anu-ano pang kasinungalingan.
“It has come to my attention that someone has been using my name and profile picture to solicit money from my fans. I would never do that, ever. Not in a million years,” sambit niya sa dating post.
Aniya pa, agad i-report sa mga kinauukulan kapag na-encounter nila ang taong gumagamit sa kanyang pangalan para makapanloko ng kapwa.
“If you’ve ever received a message from someone using my name asking for money, report and block. Thank you,” paalala pa ng Broadway star.
Tulad din ng kanyang recent post, napansin din ni Lea ang grammar ng kanyang poser na aniya’y isang uri ng murder sa English language.
“By the way, I’ve seen a sampling of the messages. My God, talk about murder of the English language,” chika ni Lea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.