Arci: Na-miss ko ang katawan ni Gerald, matagal-tagal na po akong hindi nakakahawak ng lalaki | Bandera

Arci: Na-miss ko ang katawan ni Gerald, matagal-tagal na po akong hindi nakakahawak ng lalaki

Reggee Bonoan |August 11,2020
facebook
share this

Arci: Na-miss ko ang katawan ni Gerald, matagal-tagal na po akong hindi nakakahawak ng lalaki

Reggee Bonoan - August 11, 2020 - 04:18 PM

INAMIN ni Arci Muñoz na na-miss niya ang halik, yakap at katawan ng leading man niyang si Gerald Anderson.

Virtual shooting din kasi ang nangyari gamit ang zoom app sa digital short film nilang “Love Unlock: Hooked Up” mula sa direksyon ni Dado Lumibao.

Mapapanood na ito sa Sabado, Agosto 15, 7:30 p.m. sa Kapamilya Online Live.

Nakausap namin ang dalawa kanina sa online mediacon ng “Love Unlock” sa pamamagitan din ng zoom app.

“Opo, na-miss ko talaga ang katawan ni Gerald, matagal-tagal na po akong hindi nakakahawak ng lalaki, ang hirap ng virtual touching lang, na-miss ko po talaga hanggang sa virtual o zoom na lang lahat ng bagay, nakaka-miss,” pag-amin ni Arci.

Reaksyon naman ni Gerald, “Ha-hahaha! Ang masasabi ko talaga, iba ang sex appeal ni Arci, kasama rin sa kuwento namin itong ipapalabas sa Saturday.

“Siyempre sabik kami sa isa’t isa ni Arci, sabi ko nga iba ‘yung sex appeal niya tapos sa screen lang.  Yung reaction ko lalo do’n sa mapapanood ninyo, medyo true to life.

“May mga eksena kaming nakaka-awkward kasi alam mo ‘yung ako lang mag-isa nandoon sa room, mainit ang eksena, may virtual sexy touching-touching marami isa po ‘yun sa aabangan, again iba talaga ‘yung sex appeal ni Arci,” sabi ni Gerald.

Natanong din kung naghubad sina Arci at Gerald sa “Hooked Up”. Tumawa muna si Gerald, “Hindi ko alam kung may teaser, pero siguradong makikita ron.’’

Hirit ni Arci, “Oo naghubad (si Gerald) grabe, kita pwet!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, gagampanan ni Gerald ang karakter na Carlo na long time boyfriend ni Arci. Magkikita at magbabakasyon sana sila pero biglang nag-announce ng lockdown dahil sa COVID-19. Nanatili sa Maynila si Gerald at ang dalaga naman ay nasa probinsya.

Nag-uusap at nagkikita lang sila sa pamamagitan ng Zoom at dito nila naibulalas ang mga sama ng loob nila tungkol sa relasyon nila, ang mga pagkukulang at reklamo nila sa bawa’t isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending