Gay series na 'Gameboys' tatapatan na ng Girl's Love story na 'Pearl Next Door' | Bandera

Gay series na ‘Gameboys’ tatapatan na ng Girl’s Love story na ‘Pearl Next Door’

Reggee Bonoan - August 07, 2020 - 01:57 PM

ANG planong walong episodes para sa digital BL o Boy’s Love series na “Gameboys” nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ay aabutin na ng 13 parts.

Kasama rin sa patok na gay series na ito si Adrianna So mula sa IdeaFirst Company na idinirek ni Ivan Andrew Payawal.

Nakatsikahan namin si direk Perci Intalan kamakailan at nabanggit nga niya na natuwa sila sa magagandang feedback mula sa publiko bukod pa sa request ng viewers ng “Gameboys” na huwag muna itong tapusin.

Aniya, “Nakakatuwa kasi ang response, sobrang solid, so far my 10 (episodes) na. May 11-13 na paparating pero we decided to delay for two weeks kasi MECQ.”

Nabanggit din ni Direk Perci na iniisip pa ng grupo nila kung itutuloy sa Season 2 o ididiretso na sa pelikula ang “Gameboys.”

Suhestiyon namin na mas magandang magkaroon na lang ng Season 2 dahil marami na nga itong followers, bukod pa sa mga ads na pumapasok at milyones na ang views.
Posible pang humaba pa nang humaba ang serye kaysa sa pelikula na isang bagsakan lang.

Inayunan naman kami ni direk Perci, “Oo nga, eh. Totoo yan. At saka ang hirap sa movie, ang hirap i-predict kung saan ipapalabas. Etong YouTube minahal na namin. Ang lakas kasi ng Gameboys community sobra. Ilang beses na nila kami pinaiyak sa mga tribute videos na ginagawa nila.”

Dagdag pa, “Mag-decide kami kung movie o Season 2 ang uunahin. But after episode 13 ng Gameboys papasok muna ang ‘Pearl.’ Kailangan ko rin kasing bigyan ng time si Ash na isulat ang Season 2 or ang movie.”

Si Pearl na ginampanan ni Adrianna So, ang kaibigan ni Kokoy bilang si Gavreel sa “Gameboys” na inilalakad siya kay Cairo.

At may sariling istorya rin si Pearl dahil siya naman ang bida sa “Pearl Next Door” na GL o Girl’s Love digital series naman handog pa rin ng IdeaFirst Company.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending