Vice: Mas uunahin ko munang bumili ng mask at pagkain kesa isipin ang kompetisyon | Bandera

Vice: Mas uunahin ko munang bumili ng mask at pagkain kesa isipin ang kompetisyon

Ervin Santiago - July 24, 2020 - 09:17 AM

SA mga panahon ngayon, wala na sa kamalayan ni Vice Ganda ang salitang competition.

Kilala ang TV host-comedian bilang isang very competitive celebrity. Talagang lahat ng kanyang ginagawa ay pinagbubutihan at kinakarir niya.
Pero ibang-iba na raw ngayon ang sitwasyon. Pag-amin ng Phenomenal Box-office Star, “Hindi mo siya maiisip ngayon at saka paanong kompetisyon, wala nga kami sa ere, di ba? Kanino kami makikipag-compete?”

“Mas uunahin ko na munang bumili ng mask. Mas uunahin ko na munang siguraduhin na wala akong COVID. Mas uunahin ko na munang mapakain yung sarili ko at yung pamilya ko.

“Mas uunahin ko na munang tumulong sa mga kapamilya ko na nangangailangan ng tulong kaysa isipin ko pa yung kompetisyon. No, it’s not right,” pahayag ng TV host-comedian sa nakaraang digicon vua Zoom para sa launching ng kanyang Vice Ganda Network ngayong araw.

Miss na miss na rin daw niya ang mga kulitan at landian nila nina Jhong Hilario at Vhong Navarro sa Showtime.

“Honestly na-miss ko yung the old Showtime in general – doing the show with the live audience, yung madlang people. Yung energy ng madlang people nakaka-miss yon, sobrang nakaka-miss yon, ibang klase yon.

“Nagsu-Showtime kami nang walang audience tapos hindi mo alam kung havey ka ba o waley kasi wala namang nagre-react – yung ganun. Hindi mo malaman kung okey yung ginagawa mo o hindi.

“Pangalawa, yung hindi kami makapagbugbugan nina Vhong, nina Jong, hindi nila ako masaktan. Nami-miss ko yung hinaharang nila ako at naghahabulan kami. Lahat kami physical yung hosting namin na ginagawa, nami-miss ko yon.

“It’s never the same, the fun is never the same, ang layo, eh. Sobrang layo at lahat yon nakaka-miss at nakakalungkot pag naiisip ko. Pero we have to survive this challenge at okey na okey ako don,” chika pa ni Vice Ganda.

Samantala, tungkol naman sa magiging entry niya sa 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF), mukhang mas matinding challenge ang haharapin nila para mabuo ito ngayong meron pang pandemya.

“May plan ang Viva at Star Cinema for this December, hindi pa lang napa-finalize kung kailan mag-i-start saka yung lahat ng issue na kailangang i-finalize.
“Pero parang lahat plano pa lang. Pero iniisip ko pa, hindi ko alam kung paano isu-shoot,” may pag-aalinlangang sabi ni Vice na ang tinutukoy ay ang “Praybeyt Benjamin 3”.

Pero may naisip na silang materyal para sa movie, “Ang concept nu’ng entry, again hindi pa siya final, pero bibigyan ko na lang kayo ng konting idea. Hindi siya magiging masyadong pambata this time.

“Kasi unlike before, yung past movie ko puro pambagets talaga, eh, di ba, fantasy ganyan. Eh, since hindi naman puwedeng lumabas ang mga bata, ang mga minor papuntang sine so, maia-adjust mo yung concept.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sinasabi ko nga sa kanila, so puwede tayo ng love story. Kasi hindi naman kinakailangang pambata na kailangang super wholesome yung movie. Pero definitely it’s going to be a family movie still,” kuwento pa ng komedyante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending