'Praybeyt Benjamin 3' ni Vice sa MMFF 2020 hindi na pwede sa bata | Bandera

‘Praybeyt Benjamin 3’ ni Vice sa MMFF 2020 hindi na pwede sa bata

Reggee Bonoan - July 21, 2020 - 02:29 PM

 

PASOK na bilang isa sa mga official entry ng 2020 Metro Manila Film Festival sa December ang pelikula ni Vice Ganda.

Kasama sa in-announce ng MMFF Executive Committee ang “Praybeyt Benjamin 3” ni Vice produced by Viva Films and Star Cinema sa first Magic 4 ng taunang filmfest.

Taun-taon ang inaabangan talaga ng fans ni Vice ang magiging entry niya sa MMFF dahil isang beses lang sa isang taon kung gumawa siya ng pelikula.

Pero sa panahon ng new normal dahil sa ipinatutupad na health protocols dulot ng COVID-19 pandemic ay iniisip ni Vice kung paano ang gagawin nilang shooting.

“Hindi pa lang napa-finalize kung kailan mag-start (ang shooting), marami pang dapat i-finalize, dapat lahat maayos para walang maging problema kapag nagsimula na kami.

“Hindi ko pa talaga alam kung paano isu-shoot, pero they will find a way daw sabi ng Star Cinema,” ani Vice nang makatsikahan namin sa ginanap na virtual mediacon gamit ang Zoom para sa promo ng Vice Ganda Network na ilo-launch na sa Hulyo 24.

At dahil bawal pang lumabas ang mga batang edad 20 pababa ay hindi sila ang magiging target audience ng “Praybeyt Benjamin 3. Sabi ng TV host-comedian medyo mature ang tema ng pelikula.

“Oo may mababago na, kasi hindi naman ito mapapanood ng mga bata so may pagbabago sa kuwento, sa tema,” saad pa niya.

Hindi pa inisa-isa ni Vice kung ano ang mga pagbabago pero sa tingin namin ay open ang script nito, anything goes na naririnig nating sinasabi ng mga stand up comedian sa mga comedy bar.

Samantala, excited na si Vice sa bago niyang online show na “Gabing-gabi Na Vice” na mapapanood sa The Vice Ganda Network. Napakarami raw dapat abangan dito ng manonood.

“Dito sa Vice Ganda Network marami akong…basta it’s all about good vibes. Marami akong content na ipo-post na makakapagpasaya sa mga manonood. Maraming bagong digital programs na gagawin ako na magpapatawa sa inyong lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mapapanood din nila dito yung Gabing-Gabi Na Vice, the usual late night talk show. Tapos yung Prize Ganda, game show na gagawin namin.

“Tapos meron din akong sitcom na binubuo-kaming mga bakla.  May documentary din akong ilalabas at marami pa kayong bagong makikita,” say ni Vice na isa na ring vlogger ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending