Payo ng anak ni K Brosas sa lahat ng beki, tibo: Wag n'yong piliting maging straight, being gay is not wrong | Bandera

Payo ng anak ni K Brosas sa lahat ng beki, tibo: Wag n’yong piliting maging straight, being gay is not wrong

Ervin Santiago - July 16, 2020 - 12:44 PM

 

FEELING blessed and lucky ang anak ni K Brosas na si Crystal dahil sa pagtanggap sa kanya ng nito nang buong-buo.

Abot-langit ang pasasalamat niya kay K dahil 100 percent nitong natanggap ang kanyang pagiging lesbian.

Aminado si Crystal na hindi naging madali para sa kanya ang itago pansamantala sa madlang pipol ang tunay niyang pagkatao.

“There were lots of struggles, challenges, and pain that molded me into the person I am now,” simulang pahayag ni Crystal sa kanyang Twitter post.

“It affected my music creation, human interaction, and also with my love life. There was an inner argument with myself in high school where I told myself, ‘Is this wrong? Maybe I should try with boys,’” aniya pa.

Payo naman niya sa lahat ng tulad niya na struggling pa rin sa pagtanggap sa kanilang sarili, huwag piliting mag-come out kung hindi pa handa.

“You should never force yourself to be straight because being gay is not wrong in the first place,” lahad pa ng anak ng komedyana.

Ani Crystal, inamin niya sa ina ang sexual preference noong July 7, 2017, tatlong taon bago siya humarap sa publiko para amining tomboy siya sa pamamagitan ng birthday video vlog ni K.

“No more hiding, no more pain, and no more pretending.

“Wala na akong dapat katakutan dahil ngayon, ang sarap, ang saya, at ang ginhawa sa pakiramdam na tapos na. Nanalo na ako. Masaya na ako,” mensahe ni Crystal.

Ito naman ang promise niya sa ina, “I would never trade you for anyone else. Salamat dahil ikaw ang naging nanay ko. Mahal na mahal kita.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi lang ‘to para sa akin, kundi para sa aking komunidad. Laban ninyo ay laban ko at ang kaligayahan ninyo ay kaligayahan ko rin.

“Love is love. Hands up, my fellow androgynous lesbians,” pagtatapos ng isa na namang proud member ng LGBTQIA+ community.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending