Dating SexBomb Dancer proud dyowa ng transman: Love has no gender Bandera

Dating SexBomb Dancer proud dyowa ng transman: Love has no gender

Ervin Santiago |July 12,2020
share this

Dating SexBomb Dancer proud dyowa ng transman: Love has no gender

Ervin Santiago - July 12, 2020 - 01:45 PM

 

#SHOOKT! Yan ang na-feel ng mga Dabarkads sa pasabog ng dating member ng SexBomb Dancers sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga kahapon.

Hashtag #LoveWins talaga ang bumandera sa Saturday episode ng nasabing Kapuso noontime show dahil sa pag-amin ni SexBomb Girl Louise Bolton.

Mga transman ang humarap bilang choices sa celebrity contestant kahapon ng “Bawal Judgmental” na si Richard Yap. Sila yung mga lesbian na mukha na talagang tunay na lalaki.

Isa na nga sa kanila si Dan Padilla na boyfriend pala ni SexBomb Louise. Sa isang bahagi ng programa ay binigyan ng chance ang dalaga na bigyan ng message ang BF.
Kuwento ni Louise, four years na silang magkarelasyon ni Dan at talagang napatunayan daw niya na “love wins” at walang pinipiling gender ang tunay na pagmamahal.

“Doon talaga pumasok ‘yung love has no gender. Kapag nagmahal ka kasi hindi mo naman makikita ‘yan sa physical, age, and sa ano ba? Siguro sa ugali,” sabi ng dating SexBomb dancer.

Kuwento pa niya, naging magdyowa sila ni Dan noong hindi pa ito sumasailalim sa gender transition.

“Kasi nu’ng nag-start kami, nakilala ko siya, hindi pa siya nagta-transition noon. Actually, ako pa ‘yung nag-i-inject ng testosterone. Nag-start lang siya mag-transition nu’ng kami na,” kuwento pa ng dancer.

Ito naman ang mensahe niya para sa kanyang boyfriend, “Sa tagal na kasi namin para na kaming magtropa.

“Support ako sa ‘yo sa kahit anong mangyari, sa lahat ng gusto mong gawin. At siyempre ang pinagpe-pray ko lagi, happy ka. Maging happy ka lang palagi,” aniya pa.

Ito naman ang sagot ni Dan sa kanya, “Support lang ako sa ‘yo kahit magulo na ‘yung mundo. Nandito lang ako.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending